I doubled my pace as I went down the staircase. Panay tingin ko rin sa aking relo, iniisip na baka sakaling bumagal, kung hindi man tumigil, ang oras para mabigyan pa ako ng ilang minuto upang makauwi sa dormitory. Ugh, sampung minuto nalang bago magsimula ang game nina Kester at ng team nila. And I don’t want to be late! Gusto ko kasi siyang i-cheer muna bago siya sumabak sa laro para hindi na siya kabahan pa. I can’t help but notice he’s been jittering every time he gets to hold of the ball. Para bang baguhan siya sa laro kahit na sa pagkakaalam ko ay mag-iisang taon na mula ng sumali siya sa team nina Kervin. Though it would just be a inter-barangay basketball game, I still want to boost his confidence. Ngayon ko lang kasi nalaman na kahit pala magaling si Kester sa halos lahat ng bagay, may mga pagkakataon pa ring napanghihinaan siya ng loob - a rare and distracting view for me. Nasanay na kasi akong makita siyang nakangiti at sagad sa enerhiya.
With a few minutes left, I ran pass the soccer field when I caught a glimpse of two people. I stopped, still staring at them who seem oblivious to my presence. Napatingin ako sa paligid at sa ‘di malamang dahilan ay nagpasalamat na walang ni isang tao dito maliban sa akin. I looked back at the two figures. They were still hugging each other for sometime before letting each other go. Pinahid ng babae ang mukha niya gamit ang kanyang kamay atsaka yumuko sa harap ng lalaki. May sinabi pa yata siya rito bago umalis ang lalaki.
Sa pagtalikod ng lalaki ay nakita kong muli ang isang pamilyar na sulat sa likod ng kanyang suot na jacket. Accountancy. I bit my lip as I stared at his back. Kung hindi ako nagkakamali, siya iyong nakabangga ko noon. Hindi ko na maalala ang eksaktong petsa dahil mukhang noong nakaraang buwan na nang nangyari iyon. But one thing is for sure, he’s the guy whom almost all the girls in our department have been falling for! Kahit na isang beses lang kami nagkatagpo ay sa jacket palang nitong suot at sa paglalakad niya, masasabi kong siya talaga ‘yon! Ang aura din niya kahit na nakatalikod na ito ay katulad ng lalaking iyon.
But what confuses me right now is he seems familiar to me. Pamilyar ang tindig niya, ang paglalakad niya, at habang papalayo siya sa akin ay para bang may bumubulong sa akin na ‘Kilala mo siya, Chenee.’ I knew him, that’s what my senses are telling me! The problem is I can’t remember anything that could actually make me recognize him. Kung sana nakita ko lang ang buong pagmumukha niya, baka maalala ko kung bakit pamilyar siya.
Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa lumiit siya ng lumiit at tuluyang naglaho sa paningin ko. Doon ko lang rin napansin na ang babaeng iniwan niya sa gitna ng soccer field ay isa palang estudyante. Kahit na nakasuot ito ng civilian ay alam ko dahil kilala ko siya. Her long, black hair was swaying to the left as the open field’s breeze pass by her. And even in this distance of ours, I can see a surprise look painted on her face.
Inihakbang niya ang kanyang kanang paa ng hindi inaalis ang tingin sa akin. She seems to have an internal struggle concerning if it’s right to approach me. And so I stayed where I stood, waiting for her to come near me, a clear sign that she should be approaching me.
Maya-maya ay nakita ko nalang siyang tumatakbo papunta sa kinatatayuan ko at humawak sa magkabilang balikat ko. Nang nasa harap ko na siya mismo ay kitang-kita ko ang mga luhang pumapatak pa rin mula sa kanyang mga mata. She seems to be crying a lot. Namamaga ang kanyang mga mata dahilan para lumiit ito. Mukhang nineniyerbos siya, nanginginig kasi ang kanyang labi habang pinipilit niyang magsalita. And then, she started it slow by saying, “A-ate hindi.” She vigorously shook her head as she continued, “Ipapaliwag ko po. W-wala pong ano n-namamagitan sa amin ni Sir-”
I held my hand up to stop her from blabbering. Inalis ko ang kanyang kamay sa magkabilang balikat ko at tinapik siya sa kanyang balikat. “You should explain nothing to me. It doesn’t concern me in any way.” Pagkasabi ko non ay bigla ko nalang naalala si Kervin at ang mga sinabi niya sa akin noon na ganito rin ang sense.
BINABASA MO ANG
DESTINED
FantasyNagkalat ang mga pamahiin sa Academic Fantasy University (AFU), karamihan nito'y tungkol sa paraan kung pa'no mo makikilala ang taong nakalaan para sa iyo. The school has its magic that simply leads the students to their destined one. But are all th...