Chapter Twenty-Four: Finale

3.5K 165 86
                                    

Sabi nila kapag iniyak mo lahat, ‘yong nararamdaman mong hapdi, mababawasan at unti-unting huhupa... parang ‘yong madilim na kalangitan na umaaliwalas matapos ang malakas na pagbagsak ng ulan. Kaso bakit ganon? Bakit sa bawat pagpatak ng luha ko, mas lalo akong nasasaktan? Mas lalong lumalim ang sugat? At bakit imbes na gumaan ang loob ko ay mas lalo pa itong bumibigat?

Hindi ko na tuloy alam ang gagawin. Kung iiyak pa ba ako para ilabas lahat ng sama ng loob ko sa mga nangyayari sa buhay ko o susubukan ko ng tapusin ang pagluha ko na dumadagdag lang sa nararamdaman kong sakit? Pero siyempre kahit piliin ko pa ‘yong ikalawa, hindi ko pa rin ‘yon magagawa lalo na’t ayaw magtigil ng mga luha ko sa pagbagsak.

Nakakatawa no? Sarili kong mga mata, hindi ko man lang mapigilan sa pag-iyak. Sarili kong puso, hindi ko man lang maprotektahan upang hindi masaktan. At higit sa lahat, sarili kong buhay hindi ko man lang ma-kontrol. Hindi ko makontrol ang takbo ng mga pangyayari kahit na buhay ko naman ‘to!

Bakit gano’n?

Umiyak ako lalo nang maalala si Kester. How everything started for us and how everything vanished so quickly. Parang kailan lang nang magkakilala kami at nagka-ibigan tapos sa isang kumpas lang, balik estranghero kami sa isa’t isa. Matatanggap ko naman sana ‘yon, eh. Kakayanin kong magpaulit-ulit na magpakilala sa kanya kung ‘yon ang kailangan kong gawin pero kahit kailan hindi ko matatanggap na sa iba siya ikakasal, na hindi siya sa’kin mapupunta sa huli. Because when he said he loved me, I always thought that was already the promise of forever.

Inihiga ko nalang ang aking ulo sa likod ng upuan ng driver habang hinihintay na makarating muli sa AFU. Pinagtitinginan man ako ng mga tao sa loob ng jeep ay hinayaan ko pa rin ang sarili ko na umiyak. Wala na akong pakialam sa kung ano mang iisipin nila dahil hindi naman nila alam ni naiintindihan ang pinagdaraanan ko ngayon.

They’ve never suffered anything this painful that would make anyone damn crazy! Kung hindi ko lang talaga alam na may huli pa akong pagkakataon ay baka naisipan ko ng kunin ang sarili kong buhay. Hindi ko na kasi maintindihan. There’s no physical wound yet the pain feels so real.

Naisip ko nga lagyan ng sugat ang sarili ko. At least maiisip ko na ang dahilan ng lahat ng hapdi na nararamdaman ko ngayon ay isang totoong sugat. Tsaka kung may totoo akong sugat, pwede ko naman itong lagyan ng alcohol o ng band-aid diba? Kaso nga lang, ‘yong sugat ko nasa kaloob-looban ko. Sugat na namuo sa loob at wala man lang akong handang first aid kit para mabawasan ang pinsalang ginagawa nito sa’kin.

Nagpatuloy ako sa pag-iyak. Mukhang nahiya naman ang mga tao sa loob ng jeep dahil tahimik lang silang lahat at kunwari’y abala sa kani-kanilang mga cellphone upang hindi ako madistorbo. May pagkakataong nagtatagpo ang tingin ko sa iba sa kanila pero dali naman silang yumuyuko o kaya napapatingin sa labas.

Lahat ng atensyon nila, alam kong nasa sa’kin hanggang sa may sumakay na dalawang babae. Bahagyang nakalimutan nila ako dahil sa mga ito. Ang isa kasi sa kanila, tulad ko, umiiyak rin. Mamumula na ang mga mata niya pati ang ilong niya.

Hindi ko naman talaga sila balak bigyang pansin dahil may sarili kong problema. Kaso nasa tapat ko lang sila at rinig na rinig ko ang pag-uusap nila. At sa lahat ng sinabi nila sa isa’t isa, ang huling mga pangungusap nila ang kumuha ng buong atensyon ko.

“That’s the point, masakit na! Kailan ka ba magigising at ititigil ‘to?”

“Kapag nakilala ko na siya - ‘yong taong titigan ko at masasabi ko nalang sa sarili ko na ‘Lahat ng sakit na naramdaman ko noon ay worth it dahil lahat ng ‘yon naging daan para makilala ko siya.’” Ngumiti siya ng kaunti habang pinupunasan ang kanyang mga mata. “’yon nga lang, ‘di na ako umaasa na may darating pa. Kasi mukhang malabo ng magmahal ako iba tulad ng pagmamahal kay Jason.”

DESTINEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon