“Cover to cover mo ng nabasa ‘yan. Still not convince?” Hindi na ako nag-aksaya ng oras para isara at itago ang libro. I just let it lie down open on the library table, making it more obvious that I’m not over with what I’ve been searching. Nilipat ko ang tingin ko sa kanilang dalawa na nakaupo sa tapat ko. Mataimtim nila akong tiningnan bago ulit magtanong si Jazz, “Tatlong araw mo na ‘yang ginagawa Chenee at wala ka namang nahanap. Bakit ka ba nag-aaksaya ng oras d’yan?”
“Wala lang.” then, I shrugged.
Ipinagkrus ni Liza ang dalawa niyang patpating braso and leaned back on the chair. “Huwag ka ngang magsinungaling. We know you. You won’t do some heavy research on something kung walang nangyaring kakaiba.” she said, as a matter of fac and that is a bull’s eye! Hindi ko nga pag-aaksayahan ng oras ito kung walang nangyari pero hindi ko rin kayang sabihin sa kanila ang tungkol sa pag time travel ko lalo na ngayong hindi ako makahanap ng kahit ano sa libro na related sa nangyari sa akin.
I sighed, closing the book. “Naisip ko lang ang story #143." I lied. "If you can communicate with your destined one in the past, then possibly there is also a way for you to go to the past and actually meet him there. Tama? So what I’m trying to say here is na-curious lang ako kung may iba pa bang time related mysteries ang University. That’s all.”
Bago pa nila ako matadtad ulit ng tanong ay kaagad akong umalis dala ang libro at dumiretso sa librarian na nasa Special Book section. As usual, hindi ito nagsalita at tanging ang pagtaas lang ng kilay niya ang signal para ilapag ang hiniram ko, “Isasauli ko na po ang Golden Book.”
Tama sila Liza at Jazz. Tatlong sunod-sunod na araw ko ng hinihiram ang Golden Book para basahin ito, cover to cover. Makapal man ito ay hindi ako napagod na buklatin at basahin ang mga nilalaman nitong kuwento. I wanted to check if there was any story related to time travelling. Alam niyo ‘yon, baka hindi lang masyadong sikat ang kuwento kaya hindi napag-uusapan. Pero sa bawat pagsauli ko sa libro sa loob ng tatlong araw ay lagi akong umuuwi ng bigo. Not even one mentioned about time travelling or the closet with a clock. Wala talaga.
Sobrang nakakadismaya nga eh. Akala ko nakasulat rin ito sa Golden Book pero wala. At dalawa lang ang pwedeng dahilan nito.
Una, ‘yong nakaranas nito ay hindi sinabi sa Admins ang pag-time travel niya. Ang tanong nga lang bakit hindi niya sinabi? I mean, halos lahat nakakandarapang pumunta sa Admin office para ibalita ang mga nangyaring kakaiba sa kanila para mailagay lang sa Golden Book tapos siya hindi. Nakakapagtaka.
Pangalawa, siguro wala pang nakakaranas na mag-time travel gamit ang closet. Baka ako pa lang ang una. Hmm, posible ba ‘yon eh ang tagal na nitong University?
Matapos kong maisauli ang libro, napagdesisyonan ko ng umuwi sa dormitory. Alas sais na rin, baka maabutan ko nalang na wala ng natitirang panghapunan dahil niligpit na ng baliw na caretaker. Bwisit talaga ‘yon, kay raming beses ko ng naranasang hindi nakakain ng isang meal dahil lang sa late akong nauwi.
Nakilinya ako sa mini-terminal ng University. Buti nalang konti lang ang estudyanteng nasa unahan ng linya kaya kaagad akong nakasakay sa kararating lang na jeep. Kulay dilaw ito na may nakaimprintang ‘AFU Jeepney’ sa katawan nito. It was designed to look like any PUJ outside the school. Ang kaibahan lang ay ang route na dadaanan nito, which are all just inside the corners of the University. Para kasing mini-city ang loob nitong paaralan namin. There are certain buildings or places which is kinda far to travel by feet - the very reason why they decided to have a way of transporation inside. Name-maintain naman ito dahil nagbabayad pa rin kami ng pamasahe na limang peso for any distance.
The first stop ng jeep ay sa dormitory kaya bumaba na ako. I quickly went inside, got my share of meal from the dining table, and went up my room, ignoring the frown in the caretaker’s face. Laging ganyan ang itsura niya kapag on time ako sa pag-uwi at nakakakuha pa ako ng panghapunan. Gusto kasi niya na hindi ako nakakain. Yes, that’s how much she dislikes me. But I’m used to it and I do not dwell on it that much cause I’ll just be wasting my precious time on something so petty.
BINABASA MO ANG
DESTINED
FantasyNagkalat ang mga pamahiin sa Academic Fantasy University (AFU), karamihan nito'y tungkol sa paraan kung pa'no mo makikilala ang taong nakalaan para sa iyo. The school has its magic that simply leads the students to their destined one. But are all th...