Pinagpyestahan nang aking mga mata ang itsura ng AFU ten years ago. Marami pa rin itong pagkakahalintulad sa AFU sa hinaharap pero siyempre napuna ko ang dalawang building sa time dimension namin na hindi pa nakatayo rito.
“You seem surprised at the same time amazed, Chenee.” pagkarinig ko non kay Kester ay muli akong nabalik sa aking sarili. Tumingin ako sa kanya at nakangiti ito. “Parang hindi ka dito galing kanina ah!” puna pa niya dahilan para maalala ko kung anong nagawa kong mali.
“Well, I’ve never looked at our school from the outside and never thought of how other people see it. Ngayon ko lang nalaman at nakitang mukha mang ordinaryo ito sa loob, ang ganda pala nito sa labas,” sagot ko at mukhang kinagat niya naman ito dahil hindi na siya nagtanong pa.
Sa totoo lang, mukhang maraming katanungan si Kester tungkol sa’kin - kung pa’no ako nakakapasok sa bahay nila nang hindi niya nalalaman, kung bakit pinapayagan ako ng mga magulang ko na umuwi ng sobrang gabi mula sa bahay nila, kung bakit ayaw kong ibigay ang numero ng aking telepono kahit na kami na, at kung bakit parang hindi tugma ang schedule ni Kervin sa schedule ko dahil madalas nauuna akong makapunta sa bahay nila kaysa sa Kuya niya.
He did try to ask me all of this questions one time and of course, I lied. Hindi ko pa rin kasi kayang sabihin sa kanya na nagta-time travel ako. Kahit naman siguro sino magsisinungaling rin kung mas kapani-paniwala pa ang kasinungalingan kaysa sa katotohanan.
Isa pa, rules ng AFU na huwag sasabihin sa mga hindi mag-aaral o nagtatrabaho sa University ang mga nangyayaring kababalaghan sa loob. And they were saying that if you do not follow this rule, your memories will be erased which I doubt to be true. Kung ganon kasi, dapat burado na lahat ng memorya nong baliw na babae sa labas ng AFU kung totoo man lahat ng sinabi niya. But she still got her memories, ‘yon nga lang wala ng gustong maniwala sa kanya dahil baliw na nga siya.
Nakatitig pa rin ako kay Kester na ngayon ay malalim ang iniisip habang nakatingin sa kawalan. Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti habang tinititigan siya.
He trusts me so much to the point of never asking me the same question again. Kahit anong lame ng paliwanag ko sa mga tanong niya ay hindi na niya ako uusisain pa. Para bang ginawa niyang assurance na dahil ako ang nagsabi, maniniwala’t maniniwala siya.
That’s why I’m thankful for having him as a boyfriend. Sobrang mahal na nga ako, may tiwala pa sa’kin. Kaya siguro, kahit kailan ay hindi pa kami nag-away. Konting tampuhan lang ang napagdaanan namin lalo na pagka tungkol kay Ginny. Siyempre, nagseselos ako sa babaeng ‘yon, eh.
“By the way, sasama ba si Ginny?” tanong ko sa kanya nang makabalik na kami sa loob ng sasakyan.
“’yon na nga iniisip ko. Okay lang ba sa’yo kung sumama siya?” tanong nito pabalik sa’kin dahilan para mapasimangot ako. Kaya nga siya ang tinanong ko, eh. Ayokong sa akin niya ibabase ang magiging sagot sa una kong katanungan.
“Huwag mo na akong tanungin. Alam mo naman ang isasagot ko. Tsaka sa ganitong mga okasyon, pwede bang ‘wag mong hingin ang opinion ko? I don’t want to influence your decision especially for something that doesn’t involve me.”
“It does involve you, Chenee.” paalala niya.
“Okay fine! It does involve me. Pero sa araw na ‘to, si Kervin nalang ang isipin mo. It’s his day, remember?” I retorded back as I cross my arms.
“Hmm.” Nakahawak siya sa steering wheel, tila nag-iisip at ilang saglit lang ay ngumiti siya. Ugh, ang lalim talaga ng biloy niya! Mas lalong nagpapagwapo sa kanya. “Then, let’s take Ginny with us!”
Napaismid naman ako sa sagot niya. Okay, I know I just said to him that whatever his decision will be (without giving much consideration about me), I’ll be fine with it. Kaso nga lang, hindi ko naman maitatago ang disappointment ko sa napili niyang desisyon. Akala ko kasi hindi niya ipapasama si Ginny.
BINABASA MO ANG
DESTINED
FantasyNagkalat ang mga pamahiin sa Academic Fantasy University (AFU), karamihan nito'y tungkol sa paraan kung pa'no mo makikilala ang taong nakalaan para sa iyo. The school has its magic that simply leads the students to their destined one. But are all th...
