Nakakailang kuha na ako ng litrato sa closet kaya pinatay ko na muna ang camera at ibinaling ang atensyon ko sa nakaukit na mga salita sa loob nito. I traced my finger on each letter on the back of its door and I couldn’t help but halt for a second or two because I could honestly feel the coldness beneath each of the letters... like it was some kind of writing made out of ice. Nakakapagtaka nga, eh. Noon naman kasi hindi ito ganito ka lamig. Ordinaryong inukit na mga salita lang ang pakiramdam ko sa mga ito noon.
Ngunit hindi na ito masyadong nakakabahala sa’kin dahil madalas na itong mangyari noong una palang. Bigla-bigla itong nagbabago na tila hindi ito isang simpleng bagay kundi may sarili itong buhay. Naisip ko nga, baka ang mahikang gumawa nito ay ang s’yang nagbigay dito ng sariling isip.
Nabaling naman ang atensyon ko sa antigo nitong orasan. Naroon pa rin kasi ang numerong uno sa gitna nito na ngayon ay nag-iilaw pa na para bang inuudyok akong gamitin ang huling pagkakataon ko sa pagbabalik oras.
Sa totoo lang, nakakaakit gamitin itong muli sa huling pagkakataon. I mean, this will the last and I wanted to take advantage of it. Ngunit sa tuwing naalala ko si Kervin at lahat ng nangyari kahapon, kaagad kong naaalala ang mga realizations ko sa gabing iyon. At isa na sa mga ‘yon ay ang hindi na muling pag gamit sa nasabing closet.
Alam kong sa hindi ko pagbabalik oras ay isasakripisyo ko ang pagmamahal ko kay Kester at ang pag-asang magiging kami sa huli. Ngunit mas kakayanin ko pa yatang makita siyang ikasal sa iba kaysa i-risk muli ang buhay niya at ng ibang tao sa pagbabalik oras ko. Kaya ayoko na. Tama na lahat ng napagdaanan ko.
At sinimulan ko na ngang bigkasin ang mga leksyong natutunan ko sa buong panahon na nag-time travel ako.
“Una, nakasulat na ito sa loob. I can’t alter my fate without affecting other people’s destiny. Sacrifices has to be made as an exchange of my selfishness.”
Nagitla naman ako nang mag-ilaw ang mga salitang nakaukit sa pader ng closet pero kaagad din akong nagbalik sa aking sarili at ipinagpatuloy ang aking sasabihin.
“Pangalawa. Not even going back in time could change whom you're destined for. So no matter how much you love someone, if you’re not meant to be together then you will never be together.”
Mas naging mahinahon na ako nang makita ang dahan-dahang pag-ukit ng mga salitang binitawan ko sa ibaba nang nauna kong sinabi.
“Lastly, the third and the most important. You can always remember the past but never make it your present. Because how could you move on with life if you kept living in the past that you could no longer change?” Hinawakan ko ang closet at nagpatuloy, “In short, no one needs this closet anymore - the closet that brings anyone back to the past. Thuss, you shall vanish.”
Umukit ang huli kong mga sinabi sa pinakaibabang bahagi ng pader at nang matapos na ay nag-ilaw lahat ng salita ng sabay-sabay. The next I saw, the words were erased in one wipe. Pinalitan ito ng bagong mga salita ngunit imbes na kabahan ay napangiti pa ako dahil mukhang alam ng closet ang katangian kong taglay.
You win Chenee Rhyn Laurente. And before I shall vanish, I know you are curious as always so I shall allow you to ask me any question and believe me, I wouldn’t hold back anything.
Huminga muna ako ng malalim at itinanong ang tanong na hanggang ngayon ay gumugulo pa rin sa aking isipan.
“Anong totoong nangyari kay Ginny Ariosa at sa best friend niya? Umm, hindi ko kilala ‘yong bestfriend niya pero sana alam mo.”
Then words were starting to creep on the walls of the closet and I started to read it like it was some kind of story.
Maria Suzzette Mendoza (Ginny’s bff).
She died because she used her second chance which means she went time travelling to have her third ending. Such an idiot! She didn’t listen to my clue.
BINABASA MO ANG
DESTINED
FantasyNagkalat ang mga pamahiin sa Academic Fantasy University (AFU), karamihan nito'y tungkol sa paraan kung pa'no mo makikilala ang taong nakalaan para sa iyo. The school has its magic that simply leads the students to their destined one. But are all th...