Napapadalas na ang mga date namin ni Kester, siguro mga tatlong beses sa isang linggo. Magastos nga kung ilarawan ni Ginny ito, pero sa totoo lang, hindi naman. Hindi naman kasi kailangang sa isang mamahaling restaurant kami mag-date, eh. Kadalasan nilalakad lang namin ang park dito sa kanila at doon nagku-kuwentuhan, nag-aasaran, nagtatawanan. Tapos kakain lang kami d’yan sa tabi-tabi kung sa’n maraming nagtitinda ng mga mura pagkain. Well, we don’t actually mind about the place of our date and how expensive it is. Ang mahalaga, masaya kaming magkasama.
But today is another story. Imbes na lumabas ay nag-stay lang kami dito sa bahay para mag-general cleaning. Though Kester keeps the house clean everyday, iba pa rin iyong pati kasuluksukan ng kanilang attic ay malinis. Isa pa, I bet marami na ring alikabok ang likod at ilalim ng kanilang mga furniture sa tagal na nitong hindi naigagalaw.
“Okay! Chenee, pwedeng ikaw nalang maglinis sa kuwarto namin?” tanong ni Kester habang tinatanaw ang sala na katatapos lang naming linisin.
“No problem!” sagot ko sabay thumbs up.
Ngumiti siya. “Kapag kailangan mo ng tulong, nandon lang kami ni Kervs sa attic ha?”
Tumango ako at sabay na nga kaming tatlong pumanhik sa taas. Nang nasa itaas na kami ay huminto ako sa harap ng kuwarto nila habang sila naman ay nagpatuloy sa paglalakad. I stared at the door and decided to cover my nose and mouth with a cloth once again. Hinigpitan ko ang pagkakatali nito sa likod bago tuluyang pumasok dala ang mga cleaning materials.
Pinagmasdan ko muna ang buong kuwarto. Isa ito sa pinakamalinis na lugar dito sa bahay nila. Everything is kept in order in here. Kaya hindi ko lubos maisip kung ano pa ba ang gagawin ko para maging mas malinis pa ito.
Tumungo nalang muna ako sa banyo nila at doon sinimulan ang paglilinis. Nakatingala kong nililinis ang kisame nito na may mga konting cobwebs na. Winalis ko ito hanggang sa wala nang natira. Sinunod ko naman ang toilet bowl. Konting kiskis lang at muriatic acid ang ginawa ko para mawala ang dumi. Pinunasan ko rin ang face mirror nila dito sa loob ng banyo atsaka inayos ang mga gamit nila panligo. Hindi ko naman mapigilang ‘di matawa nang makitang may label pa talaga ang mga gamit ni Kervin. Mula sa sabonera hanggang sa toothbrush nitong nakalagay sa isang baso ay nakasulat ang kanyang pangalan. Buti nalang hindi niya sinulatan ‘yong sabon mismo.
After doing what I can do for the bathroom, I went back to their bedroom. Since wala naman akong masyadong magagawa para mas lalo itong palinisin ay pinunasan ko nalang ang mga kagamitan nila to keep it dust-free. Iyong konting picture frames na nakasabit pa sa pader ay kailangan ko pang gamitan ng silya para maabot ko ito. Nakahawak nga lang ako ng mabuti sa closet na nasa tabi lang habang nililinis ang mga ito to keep myself from falling.
Matapos non ay nagpahinga muna ako saglit. I’m not that tired but the view from their veranda was actually tempting me to rest for a while. Sa totoo lang, ang bahay ng mga kapitbahay lang naman nila ang makikita dito maliban sa maaliwalas na kalangitan. But nevertheless, it’s still a good view cause most of these houses have gardens full of beautiful flowers. Hindi naman kasi uso ‘yan sa bahay namin pati na sa paligid namin kaya namamangha talaga ako sa tuwing nakakakita ako ng ganito kaga-gandang bulaklak. Napaka-colorful pa nilang tingnan kaya hindi na nakakapagtaka na may iba’t ibang kulay rin na paruparo na lumalapit sa mga halamang ‘to.
I spend a few more minutes to admire the beauty of nature before going back to work.
Inusog ko ang iilang mga furniture para mawalisan ang likod nito atsaka ito ibabalik sa pwesto. Kung ikukumpara, mas konti lang ang dumi na makikita dito marahil na rin ito ang palaging nililinis nila. After all, dito sila natutulog, eh.
Tumungo na ako sa kama nila at yumuko para linisin ang ilalim nito nang may iba akong nawalis mula dito. Isang kuwaderno. Sumilip pa ulit ako sa ilalim ng kama pero wala nang ibang bagay doon. Ito lang talaga. Pinagmasdan ko ito ng maigi. I dropped the broom and sat on the edge of the bed. It’s not Kester’s nor Kervin’s. Sa ibang tao ito nakapangalan.

BINABASA MO ANG
DESTINED
FantasíaNagkalat ang mga pamahiin sa Academic Fantasy University (AFU), karamihan nito'y tungkol sa paraan kung pa'no mo makikilala ang taong nakalaan para sa iyo. The school has its magic that simply leads the students to their destined one. But are all th...