Nasundan sa ikalawang pagkakataon ang pagpunta ko sa AFU(2005). Ang kaibahan nga lang ngayon ay hindi si Kester ang kasama ko kundi si Kervin. Sa totoo n’yan, pinilit ko lang siyang isama ako sa University. Sabado kasi ngayon sa hinaharap habang weekday naman sa panahon nila kaya mag-isa lang ako sa bahay at dahil nakakabagot namang mag-istambay do’n ay naisipan ko nalang magpalipas oras dito.
“In this way, I have a proof that I’m really a student here,” paliwanag ko rito kay Kervin na hindi masyadong pabor sa ginagawa kong pagpapa-picture ng aking sarili dito sa loob ng University.
Hindi ko naman siya masisisi dahil kanina pa kami pinagtitinginan ng mga ibang estudyante. Maliban siguro sa wala namang mahilig mag-picture taking dito ay sosyalin pa ‘yong dala kong telepono. Nakaligtaan ko kasi kanina na hindi pa pala nauuso sa panahong ito ‘yong mga touchscreen na phones.
“Ano ba ‘to, Chenee.” Magkatagpo na ang kanyang dalawang makakapal na kilay nang lapitan ulit ako. Iniharap niya sa’kin ang aking telepono, “Bakit mukha ko ang nakikita ko d’yan?”
Pinagmasdan ko naman ang aking mukha sa screen at nag-peace sign sa harap nito, “Hindi kaya! Mukha ko kaya ‘to.”
Napansin ko pa ang pagtaas ng kanang kilay niya bago siya tumabi sa’kin para na rin silipin kong totoo ang sinasabi ko. Isang segundo lang nang nakatingin na rin siya sa telepono ko ay isang malakas na click ang narinig naming dalawa mula rito.
Nakasimangot siya. Sinuklian ko lang ito ng isang matamis na ngiti.
“Nasa iisang University tayo tapos kuwento pa natin sa kanya, magkabatch tayo tapos pala wala tayong selfie? Magtataka talaga si Kester non!” depensa ko kaagad habang pinagmamasdang muli ang selfie namin. Infairness, ang kyot niya dito kahit na halatang gulat pa siya nang i-capture ito.
“Selfie?” Naguguluhan niyang tanong sa’kin na nagpabalik ng atensyon ko sa kanya.
Ibinuka ko ang aking bibig para sana sumagot pero naalala ko palang nasa nakaraan pa ako at hindi pa nauuso ang salitang selfie sa panahong ito.
“Nevermind,” sabi ko nalang tapos inabot ulit sa kanya ang telepono ko. “Picture-an mo nalang ulit ako. Ipakita mo ang background, ah?”
Magpo-pose na sana ako nang mapansin kong nakatitig lang siya sa screen ng telepono ko at ‘di gumalaw. Mayamaya’y binigyan niya ako ng naguguluhang tingin. “Mukha ko ang nakikita dito, Chenee.”
Hindi ko naman mapigilang ang pagtawa sa itsura niya. Para kasi siyang batang naliligaw. Ngunit, madali rin ko ring naitigil ito nang samaan niya ako ng tingin.
“Ganito kasi ‘yan,” sabi ko nang kuning muli ang telepono. Ipinakita ko sa kanya ang pagpindot ko do’n sa icon na camera na may reversing arrows at kaagad na nagbalik sa normal mode ito.
Manghang-mangha naman siya nang muli itong hawakan. Para bang kung anong magic ang ginawa ko sa harap niya kasi first time kong makita ang ganoong ekspresyon sa kanyang mukha. I couldn’t help but smile as I watch him. Bihira ko lang naman kasi talaga masaksihan ang ganitong tanawin.
Napatalon naman sa gulat ang puso ko nang mag-abot ang aming mga tingin. Mabilis kong iniwas ang aking tingin upang pahupain ang nararamdaman kong kaba at hiya.
Shit! Shit! Shit! Bakit ba sa tuwing mapapatingin siya sa’kin ay kailangang maabutan pa niya akong nakatitig sa kanya?
Tumikhim siya. “H-umarap ka na dito, Chenee.”
Sa pagharap ko ay malayo na siya at nakahanda nang kumuha ng larawan. Umayos na ako ng pagkakatayo at nakangiting humarap sa lente ng camera.
3, 2, 1.
BINABASA MO ANG
DESTINED
FantasyNagkalat ang mga pamahiin sa Academic Fantasy University (AFU), karamihan nito'y tungkol sa paraan kung pa'no mo makikilala ang taong nakalaan para sa iyo. The school has its magic that simply leads the students to their destined one. But are all th...