“Paano mo ito nagagawa, Chenee?!” she asked as she dropped my paper on my desk. Her eyes narrowed into a squint, staring at me intently as if I’m some kind of miracle whom she did not expect to witness before her eyes. “Tatlong mali lang? Sa audit pa talaga! Tao ka pa ba, Chenee?” dagdag pa nito habang nakaturo pa rin ang kanyang mga maliliit na daliri sa markang nakabilog sa kanang bahagi ng papel.
“Nothing is impossible! Ganon lang ang explanation nito.” I answered, beaming. “And yes, tao pa rin ako Liza.”
Kinuha ko ang papel at itinupi ito bago pagkaguluhan ng iba kong kaklase. Not that I’m not proud of my score but it’s kinda irritating getting some unwanted attention from everybody. Bukod don ay alam ko na ang mga sasabihin ng mga kaklase ko kapag nalaman nila kung ilan ang marka ko. First, just like what Liza had done, they’ll bombard me with questions on how I did it, which is totally stupid. Stupid kasi ang obvious na ng sagot. Nag-aral ako. Period. Second, these classmates of mine will surely invite me for group studies. Pa’no ko nalaman? Kasi ganito ang culture ng block namin. Gagawin nilang instant tutor ang kung sino mang may pinakamataas na marka sa long exams para makapaghanda sila sa midterm. Hindi naman sa nagdadamot ako, gusto ko nga makatulong eh! Ang problema, marami na akong bad experiences pagdating group studies na ‘yan. Group study equals movie marathon plus chika mode plus food trip plus sound trip plus sleepover! Asan ngayon ang studies sa equation? That’s why I don’t want to join those activities. Nawawala iyong purpos, eh. Tutor ka nila ng mga five minutes tapos biglang may magsa-suggest na mag-movie mara muna saglit. Take note, saglit lang daw pero ‘yon pala hindi na kayo ulit babalik sa pag-aaral. Tsk.
Nakanguso pa ring nakaharap si Liza sa’kin, expecting some kind of explanation. Pero minabuti kong manahimik kaya nagpatuloy nalang rin siya sa pagbabalik ng mga testpapers ng mga kaklase ko. Most of them frowned as soon as they had receive their papers. Hindi na nakakapagtaka iyon dahil mahirap naman talaga ang Audit. It’s one of those brain freezing subjects accountancy students couldn’t avoid. Kaya nga siguro, mas magandang may inspirasyon ka para magpursigi na mag-aral despite the ‘challenging’ course.
Speaking of inspiration, I had to go early to the dormitory to get dressed. May date daw kasi kami sabi ni Kester mamaya. Yiee! Hindi ko nga lang alam kung saan pero hindi na mahalaga iyon. I mean, anywhere is fine as long as I’m with him.
Kakaapak ko pa lang sa labas ng classroom nang makasalubong ko si Jazz. Para siyang nakainom sa sobrang pamumula ng mukha niya. She tried to speak but she seems to have loss her voice. Kaya imbes na magsalita ay pinaghahampas na lang niya ako habang nakangiting malapad. “Ouch!” Grabe talaga ‘to! Ang bigat ng kamay, bumabakat halos lahat ng panghahampas sa balat ko. “Stop it! Masakit ah!” Sa wakas ay nahawakan ko ang mga kamay niya para pigilan siya sa pagbubugbog nang tuluyan sa akin. “Alam ko ng nangyayari sa’yo.”
Mapupulang pisngi. Check!
Hugis-pusong mga mata. Check!
Bayolente kahit sa mga kaibigan. Check!
Ngiting abot tenga. Check!
“All the symptoms are visible. Inaatake ka na naman ng kilig!”
Nakawala naman ang isa niyang kamay sa pagkakahawak ko at malakas akong nahampas sa likod dahilan para maubo ako. Kaagad niya naman akong hinimas-himas para bumawi sa ginawa n’ya, “Sorry, Chenee! Ikaw naman kasi para namang may sakit ako n’yang symptoms chuchu na ‘yan. Kinikilig lang naman ako!” She breathe in and out then continued, “May nangyari kasi kanina. Si Sir-”
“Jazz!” biglang sulpot ni Irene, isa pa naming classmate. “Pinapatawag ka ni Sir Ian! Tungkol daw sa report mo! ASAP!” Jazz grimaced as she looked at Irene who just interrupted her day dreaming.

BINABASA MO ANG
DESTINED
FantasyNagkalat ang mga pamahiin sa Academic Fantasy University (AFU), karamihan nito'y tungkol sa paraan kung pa'no mo makikilala ang taong nakalaan para sa iyo. The school has its magic that simply leads the students to their destined one. But are all th...