Chapter 1

135 4 0
                                    

Danica's POV

"I just don't understand D. Bakit mo naman naisipang gawin yan?" Ani ng bestfriend kong si samantha.

"Just watch and learn" Nandito kami ngayon sa Car-Exhibit. Dito pinapakita ang mga bagong kotse at pinakamahal sa buong pilipinas.

Nakita ko ang isang lalaking di ma alis alis ang mata niya sa black grey ferrari car. Well di ko alam basta yun yung tinitingnan niya. Di naman kasi ako mahilig sa kotse napasama lang ako kay sam at sa boyfriend niya. Actually, bibili ang boyfriend niya ng kotse kaya andito kami ngayon.

But things change...

Dahil nakakita na ako ng victim. No he's not gonna be my victim. He is my treasure. To make my ex-boyfriend back. Kailangang-kailangan ko siya.

Lumapit ako sa kanya.

"Hi!" Bati ko pero parang di niya ata ako napapansin. Hmm. Kinaway kaway ko na ang kamay ko sa harap ng mukha niya pero tunganga parin sa siya sa kotseng nasa harap namin. Parang tutulo na ata ang laway niya eh.

I pinched his pointy nose.

"Aray! Ano ba!?" Hinawakan niya agad ang ilong niyang matangos.

"Ops, sorry. Kanina pa kasi ako nagpapapansin sayo pero mukhang di mo ata ako napapansin" ani ko.

"Tsk! Kita mo naghahallucinate ang tao dito. Dinidistorbo mo!" Aba parang mukhang palengkero!

Tiningnan ko ang buong mukha niya. Makinis, moreno, brown eyes, has a pointy nose, and oh. That lips! So kissable! Hay ano ba to! Ang pervert ko na! Pero ang katawan niya di masyadong malaki I mean, parang di ata to nag ggym. But not bad! Pwede na.

"Anong tinitingin tingin mo jan!?" Aba! Parang may dalaw ha! Ang maldito! Hmm! Be nice D! Be nice!!! You need him!

"Oh, Im sorry. Uhm hi! Im Danica Delos reyes" nilahad ko ang kamay ko at naka full smile pa ako sa kanya. Pero inismiran niya lang ako! Hmp! Keep calm D! Konteng tiis pa!

"Ano naman? Di ko naman tinanong pangalan mo" aba't ang sungit talaga. Tumataas na ang dugo ko. Pero pinipigilan ko parin ang sarap manapak ng lalaki ngayon!

"Mukhang gusto mo tong kotseng to ah?" Change topic na ako. Para iwas gulo.

"Hmm. Kaso ang mahal" aniya habang tinitingnan ulit ang kotse nasa harapan namin.

Ting!!!

I have a brilliant idea!

"You want that? Right?" Tiningnan niya ako na parang nagtataka.

"Bibilhan kita" yan lang sinabi ko at nagsmile. Nagulat naman siya.

"Ano? 1.5 million? Nasisiraan ka na ba? Wag akong pagtripan mo humanap ka ng ibang pagtritripan dun!" Aba tinataboy pa ako! Humanda ka!

"Im not joking. Bibilhan kita niyan. Ano naman kung 1.5 million yan? Pera lang naman yan. I can buy you that" ani ko sabay ngiti.

"Si..sigurado ka ba jan?" Hahahaha nauutal utal na siya. Mukhang makukuha ko na ang loob niya.

"Oo naman"

"Teka? Bat mo naman ako bibilhan niyan? Aber?" Good question.

"Simple. I need you" usal ko sabay ngiti.

"Huh? Kailangan mo ako? Te..teka? A..anong?" Tinitingnan niya ang katawan niya at tinatakpan niya ng dalawa niyang kamay. God! Napakadirty minded!

Mission: Make my Ex-boyfriend JealousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon