Chapter 11

54 5 1
                                    

Danica's POV

Nananaginip ba ako? O guni guni ko lang yun? Si marcos? May gusto sakin!? Gosh! Di kaya pinagtritripan niya lang ako. Kasi diba? Tutulungan niya akong bumalik sakin si troy pero man liligaw siya? Ano yun? Hay! Nababaliw na ako kakaisip!

Tanghali na akong nagising kasi di ako makatulog sa sinabi niya kagabi!

Flashback

"I like you"

"Seryoso kaba marcos?" Tanong ko in sarcartic tone.

"Yes" bigla pang nalungkot mga mata niya sa tanong ko.

"Okay ka lang ba? You will court me? Pero tutulungan mo din akong bumalik sakin si troy?"

"Yes..." Tiningnan ko siya ng matagal.

"Hay grabe! Masisira ang ulo ko kakaisip! Hindi ko makuha ang point mo!" Napakamot ako sa ulo ko. Grabe nakakabaliw! Di ko magets!

"Basta, liligawan kita sa ayaw't sa gusto mo." Grabe! Ibang klase!

End of flashback

Kaya hanggang ngayon iniisip ko padin yun. Grabe! Wooo!

*ring ring* speaking of him.

"Morning anica..."

"Morning..."

"Maligo kana at magbihis may pupuntahan tayo. I will fetch you there in 30 mins. Bye!"

"Wait! Wha..." Di ako natapos magsalita ng naputol ang linya. seryoso?!

Pero dahil alam kong pupunta talaga siya dito binilisan ko ang pagligo at bihis. Konteng pulbos at lip tint lang okay na. Lotion ang perfume! Done! Nag dress lang ako at pumps. Inayos ko narin ang big curls ng buhok ko, ito yung ginawa ng mga bakla kahapon.

After 30 mins nasa baba na siya.

"Hello beautiful." Ibang iba na talaga si marcos ngayon di na siya tulad ng dati na walang pakialam sa mundo.

"Uhm, san tayo pupunta?"

"Batanggas"

"Ah. Sige... What! Wait! Batanggas?!"

"Hahaha opo..."

"Anong gagawin natin dun?!"

"Lower your voice danica" pano ba naman kasi di tataas ang boses ko eh nakakagulat talaga no!

"Sorry. Pero ano bang gagawin natin dun?"

"I have photoshoots sa isang beach resort. 3 days. Just 3 days"

"3 days!?" Tiningnan niya ako dahil sumigaw nanaman ako.

"Sorry... Pero 3 days? Hindi ako ready. I mean itong bag lang ang dala ko. Wala akong ibang dala."

"Don't worry. You have all the dress that you want" aniya habang nagmamaneho ng napakarelax.

"Ha? Eh pano yung... Yung... Uhm..." Nahihiya akong magtanong ng andies ko. Kasi naman eh!

"Underwears? Hahaha don't worry meron na din" nandilat ang mata ko. Pa...pano niya nalaman ang... Lam nyo na size ng kwan ko... Tsk!

"Ate just know all you're sizes dahil sa gown na sinuot mo last night that's siya nag prepare ng damit at underwear mo." Mind reader ba to. Alam niya lahat ng katanungan sa isip ko ha.

Tahimik na kami sa buong byahe. Ako naman naglalaro lang ng games sa iphone ko. Medyo mahaba haba pa ang byahe namin eh. Bigla rin akong nakatulog...

Mission: Make my Ex-boyfriend JealousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon