Danica's POV
Nagising ako at nagtaka agad. Teka? Nakatulog ako sa sofa? Pero nasa kama ako ngayon? Hay syempre inilipat ako dito ni marcos. Bobo mo talaga danica! Hayy.
Tiningnan ko ang oras gilid ng kama pero nakita kong may note dun. Sulat kamay ni marcos?
"Good morning beautiful. Eat you're breakfast. May shoot ako ngayon. Don't worry Im not far. Im just here at the beach. :)"
Englishero na talaga tong si marcos ibang iba sa nakilala kong marcos. Hmmm. But not bad. Agad akong bumangon at kumain ng breakfast. Naligo narin ako at nakita ko prinipare niyang two piece at color white na dress may bulaklak patong design. Sinuot ko agad naglagay ng sun block.
Nang makalabas ako sa suite namin. Nakita kong madaming nagtitipon sa isang parte ng dagat. Madami ding nagtitilian na babae. Sinilip ko agad kung sinong pinapanood nila.
Nakita ko si marcos na naka summer shorts at may dalang surfing board. Photoshoot niya pala ngayon. At sobrang init. Kasing init ng katawan niya. That body!!! Wooo! Nakakalaglag panty! Hay! Bat ganun! Napakapogi niya!
"Breaaak!" Sigaw ng photographer. Nilapitan agad si marcos ng mga make up artist. Napansin kung napatingin siya sakin at agad siya nag excuse sa make up artist at nilapitan ako.
"Buti at gising ka na. Kinain mo ba breakfast mo?" Tumango lang ako at ngumiti naman siya. Dami pang nagiirap na babae sakin. Tsss.
"Marcos ready na for another shoot. Ready na yung babaeng model! Bilis!!!" Sigaw nung photographer.
"Stay here" ani ni marcos at tumango lang ako.
"Boss may problema" sabi ng lalaking staff
"Whaaat!?"
Di na ako nakinig sa usapan nila umalis nalang ako. Gusto kong maligo kahit na kakaligo ko lang parang ansarap parin maligo. Mababagot lang din ako kakahintay kay marcos kaya maliligo nalang muna ako.
Nang nakatampisaw na ako sa tubig bigla akong sinita nung photographer nila marcos. Tumingin ako sa gilid ko baka kasi hindi ako pero wala akong kasama. Lumapit sa akin ang photographer na mukhang bakla.
"Oo. Ikaw iha. Halika rito."
"Bakit po?"
"Umikot ka." Hala anong ginawa ko? Dahil nakakatakot ang mukha niya nagikot na ako.
"Hmmm. Not bat. Come here. Lets go" hinila niya ang kamay ko papunta dun sa area kung san nagphophotoshoot sina marcos.
"Lagyan ng oil yan. Lagyan rin ng light make up! Bilisan niyo!" Sigaw niya sa mga staff.
"Teka po. Anong gagawin ko? At bakit niyo ko memake up-an?"
Ngumiti sakin ang bakla. Mukhang hindi siya ang photographer kasi nasa gilid niya ang cute na lalaki nagaayos ng camera niya at biglang tumingin sakin. Pero ng tiningnan ko ang bakla na manager pala bigla siyang sumimangot na parang galit. Nakakatakot!
"Iha! Ikaw ang papalit sa babaeng model! Kaya sumunod ka nalang wag ka ng choosy dahil madaming gusto sa lugar mo ngayon. Hala bilisan niyo na jan! At ikaw lexar! Get a nice background!" Sigaw niya dun sa lalaking cute na may bitbit na camera.
Ngumiti lang siya sakin at nagpipicture. Sh*t di ako makatanggi dun sa baklang manager para kasing kakainin niya ako ng buhay. Nakapag photoshoot naman ako. Pero hindi ganitong shoot no! Sa beach?! Naka two piece? Gosh! Pero dahil nga sa baklang yun ito ako nasa gilid ni marcos na sobrang saya dahil daw ako ang kapares niya.
BINABASA MO ANG
Mission: Make my Ex-boyfriend Jealous
ChickLitDanica Delos reyes had a brilliant Idea to make his Ex-Boyfriend back. With the help of Marcos Manalaytay Salvares they both make a mission. Magiging succesful kaya sila? o isang bihag lang pala ang mission na iyon?