Chapter 13

50 4 1
                                    

Danica's POV

Pagkagising ko naka amoy ako ng egg at bacon. Hmmm. Nagutom tuloy ako. Nakita ko rin sa gilid ng kama ang malita namin. So ngayon pala ang alis namin.

Pumunta agad ako sa dining table at nakita kong nakabihis na si marcos at naghahanda ang mga staff ng hotel ng pagkain namin sa mesa.

"Sir its ready" ani ng babaeng staff na kung makapacute kay marcos kala mo wala ng bukas. Ang aga aga naglalandi na. Hmp!

"Okay thank you" ani ni marcos. Bumaling siya sakin at mukhang gulat pa.

"Ow. You woke up. Ahm, lika na. Kumain na tayo" parang malungkot parin ang tono ng pananalita niya. Lumapit nalang ako at kumain.

Gusto kong tanungin kong san siya galing kagabi pero... Umaatras lagi ang dila ko di ko rin alam kung bakit hay ano ba to! Nakakainis! Kasi naman di parin matanggal sa isipan ko yung babaeng sumagot sa cellphone ni marcos! At babe pa ang tawag! Hay! Bakit ba ako affected!? Hmp!

"Ahm, naready ko na yung susuotin mo ngayon. Maligo ka nalang at mag ayos. Balik na tayong manila." Aniya. Tumango lang ako sinunod lahat ng sinabi niya.

Matapos kong mag ayos pumunta agad ako sa kotse niya. Nakita ko siyang nilalagay ang mga maleta sa compartment. Nakikita ko ang mga muscle niya. Grabe laki talaga ng pinagbago niya. Tiningnan niya ako.

"Hmm lets go" aniya at pumasok sa kotse niya.

Buong byahe tahimik lang kami. Nakakabinging katahimikan. Hayy kaya trinay kong magpamusic. In-on ko ang radio...

*Maybe its wrong to say please love me too

cuz' I know you'll never do

Somebody else is waiting there inside for you...

Maybe its wrong to love you more each day

Cuz' I know he's here to stay...

But my love is strong

I don't know if this is wrong

But I know to whom you should belong...*

Nagulat ako ng bigla siyang nag break.

"Marcos!"

Nakita ko ang inis sa mukha niya. Ano bang nangyari dito!?

"Really? Seriously?!" Padabog niyang sabi. Pero pinaandar nalang ulit ang kotse at patuloy parin sa pag byahe. Pinatay niya narin ang radyo. Mukhang alam ko na kung bakit badtrip to.

Hays di ko naman sinasadya na ganun ang music eh. Tumahimik nalang ako at natulog.

Pagkagising ko nasa harap na ako ng bahay namin. Teka... BAHAY NAMIN!?!

"Marcos sa condo ako. Hindi dito."

Pero di niya ako pinakinggan at bumaba ng kotse. Biglang pumasok lang sa bahay namin! Wow ha! Feel at home agad? La na akong magawa sumunod nalang ako.

"Goodafternoon maam" bati ni manong ernesto. Yung gaurd dito sa bahay nginitian ko lang siya. Ang bilis naman ni marcos! Nawala agad!

"Hahahaha! Yes iho salamat! You have grown too fast! Wow!" Nakita ko si dad na kinakausap si marcos. Bumaling ang tingin sakin ni dad "oh there is my baby girl" lumapit sakin si dad at kiniss ang forehead ko.

"Daaad. Stop calling me baby girl" nakakahiya kasi tinatawag pa akong baby

"Why? You are still my baby girl. Oh by the way iho natiis mo ba ang ugali ni anica? You see she's so spoiled brat. Hahahaha"

"Daaad!" Nakakahiya talaga.

"Okay lang po tito. Natitiis ko pa naman po. Haha" grabe! Pinagkakaisahan pa ako! Teka! Kelan pa naging close si dad at marcos!?

Mission: Make my Ex-boyfriend JealousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon