Chapter 7

50 5 0
                                    

Marcos' POV

Umatras ako ng makita kong may tumigil na sasakyan sa tapat ng bahay ni dad. Nakita ko si Mayumi ang bunsong kapatid ko kay dad. Agad siyang nag babye sa kotse.

Pero napatigil siya at tinititigan ako dito sa loob. Patay! Aalis na sana ako.

"Kuya marcos!? Sandali!!!" Tinigil ko agad ang kotse.

Pumasok siya sa kotse ko.

"Kuya? Gosh. Ilang taon ka ng hinanap ni dad. San ka ba pumunta?"

"Sa kapatid ng nanay ko" tipid kong sagot.

"Kuya... Dad needs you right now. Wa..walang magaasikaso ng kumpanya niya..." Aniya sabay yuko.

"What? Eh kayo? Anjan naman kayo diba?" Naiinis ako. Matapos nila akong palayasin.

"Si ate monique nag asawa na at nag migrate sila sa ibang bansa. Di rin siya intresado sa kumpanya. And ate Mimi designer siya at may sariling business. Yun ang inaasikaso niya kaya di niya maasikaso ang kumpanya." Tumigil siya sa pagsasalita.

"You?" Tanong ko. Napatingin siya sakin. Biglang bumuhos ang luha niya.

"Kuya... Mom has a cancer. Stage 3 na siya ngayon. Kaya nag aaral ako ngayon. Gagraduate na ako this coming march. Magpapatuloy ako sa pagaaral bilang isang doctor. But I think..." Humikbi siya "I think.. Im too late baka di ko na magamot si mommy" niyakap ko siya sa lahat ng magkakapatid si mayumi lang ang di ako tinarayan. Kalaro ko din to dati kaso pinapalayo siya ng mama niya sakin kaya medyo di kami close.

"Kuya pls... Dad needs you.. Please Im begging you... Bumalik ka na" Di ko alam kung handa na akong makita sila ulit. I need my dad but I think he needs me more.

"Sige..."

Pumasok kami sa loob, its been a long years. Pero di masyadong nagbago ang bahay except sa kulay at medyo rumami ang pananim sa garden.

Nakasalubong namin si Manang adoracion. Buti at hanggang ngayon andito parin siya. Siya ang naging nanay ko dito pag pinapaglitan ako ni mom siya nag papatahan sakin. Agad ko siyang niyakap.

"Manang namiss kita!"

"Ma..marcos? Ikaw na ba yan?" Tanong niya sakin hinahawakan pa ang pisngi ko.

"Opo. Haha"

"Naku! Eh ke gwapo gwapo mo! Kamukhang kamukha mo ang iyong ama!" Tumawa lang ako. Namimiss ko talaga tong si manang.

"Marcos?!" Narinig ko ang boses ni dad. Tumingin ako sa taas. Pababa siya ng hagdan.

"Dad napa.." Di pa ako natapos magsalita ng niyakap niya ako.

"I miss you so much son!" Agad ko rin siyang niyakap. Grabe namiss ko to. Ito ang lagi kong gustong gawin niya sakin. Twing naglalaro kami tuwing nasasaktan ako, twing umiiyak ako. Ito... Ito ang tanging gamot. Ang yakap ng ama ko.

"Namiss din kita dad" agad niyang kinalas ang pagkakayakap sakin at tiningnan ako na parang di makapaniwala.

"Oh, Martino! Ipaghahanda ko na muna si marcos ng makakain niya" tumango lang si dad at agad kaming pumunta sa dining table.

"I've been searching for you. I know na nasa kapatid ka ng nanay mo tumitira ngayon"

"Sinundan mo ko dad?"

"No. Pinahanap kita last year pa. Di kita dinistorbo. Because I know. Time will come babalik ka din sakin." Ngumiti ako sa sinabi niya. Tatay ko nga to.

Mission: Make my Ex-boyfriend JealousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon