Chapter 2

85 5 1
                                    

Danica's POV

"So, kanina pa tayong magkasama. Pero hanggang ngayon di ko parin alam pangalan mo. Pwede bang magpakilala ka?" Tanong ko habang tinitingnan siyang nagluluto ng karne sa grill.

"Marcos, Marcos Manalaytay!" Ang baho ng name niya!

"Age?" Tanong ko.

"Haaay! Marcos Manalaytay, 23, Quezon City, Single, Roman Catholic, Filipi.."

"Heeep! Tama na. Okay okay. That's all!" Pero parang may kulang padin. Tama!! Trabaho niya.

"Trabaho?"

"Tsk, waiter ako sa isang mamahalin na restaurant. Sa La rio restaurant." Oh, restaurant yun ng kaibigan ko way back in college. Hmm. Sa gilid yung ng beach.

"Ahh okay." Tahimik lang akong kumain pero napansin kung grabe siyang kumain. Parang isang taon di nakatikim ng pagkain. Nakita kong pinagtitinginan na kami kaya agad kong pinalo ang kamay niya.

"Aray ano ba? Bastusan? Lam mo naman kumakain yung tao. Nananakit ka jan!" Grabe walang modo talaga tung lalaking to.

"Grabe! Di kaba tinuruan sa school niyo noon ng table manners?! Nakakahiya ka." Gusto kong magtago sa ilalim ng mesa dahil nakikita kong pinagtatawanan na kami.

"Pasensya kana. High school lang kasi tinapos ko. At saka kung nahihiya ka. Umalis ka nalang at iwan ako dito." Parang babae! Nagdadrama! Tsk! Kelangan ko siyang turuan ng table manners.

"Tsk. Kumain ka na nang makauwi na tayo." Usal ko at agad kumain nalang.

Nang matapos kaming kumain inihatid ko agad siya sa bahay niya. Actually boarding house niya. Nakita kong makitid ang daan at masikip.

"Dito na" aniya at agad lumabas sa kotse ko. Kinuha niya agad sa likod mga pinamili naming gamit niya.

"Salamat." Wow. Bumait ata at nagpasalamat.

"Teka! Number mo? Baka takasan moko eh." Nakita ko parang nainis siya. Mukhang nainsulto ko naman siya. Wrong move danica.

"Hmm eto. Wala akong load. Kaya wag kang magtaka kung bakit di kita nirereplyan baka isipin mong tatakasan kita. Jan! Jan ako nakatira." Tinuro niya sakin ang isang boarding house na malaki parang ang dami nilang nagboboard dahil nakikita kong may umiinom sa labas nito at may nakikita pa ako sa taas may umupo sa mga babae sa bintana at nagtetext yung iba nagchichismisan.

"Ah okay, sige I'll call you nalang. Free kaba bukas?" Tanong ko.

"Hindi. May duty ako. Off duty ko ngayon kaya every friday lang ako free." Aniya

"Ganun ba? Hmm. Anong oras ang uwian mo?"

"5pm. Teka? Bat ka ba nagtatanong? Umalis ka na nga. Tinitingnan na tayo ng boardmate ko saka baka mahuli pa ako ng land lady. Umalis kana!" Grabe siya pa tong may ganang tumaboy sakin!

Agad ko ng pinaharurut ang sasakyan at umalis na agad dun.

——-

Marco's POV

Grabe talaga yung babaeng yun ang yabang! Tss! Bagay nga sila ng ex-boyfriend niya parehas silang matapobre!

Hm, pumasok na ako dahil sobrang bibigat ng mga dala ko. Bumungad agad sa akin si Kintoy ang pinsan ko sa side ng mama ko. Sila ang may ari ng boarding house na to. Ang mama niya at mama ko ay magkapatid.

"Insaaaan! Sino yung naghatid sayo saka ano tung mga dala mo?" Tanong niya sakin habang tinitingnan ang mga dala ko.

"Pwede bang tulungan mo muna akong ilagay natin sa taas? Sa kwarto ko? Hirap na hirap na ako oh." agad niya namang kinuha ang iba. Hay buti naman. Pumasok agad kami sa kwarto ko. Maliit lang ang kwarto parang mas malaki pa nga ang cr ni danica eh. Tsk! Danica! Ang pangit ng pangalan! Pang malandi! Kala niya siya lang pwedeng manlait!

Mission: Make my Ex-boyfriend JealousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon