Chapter 8

38 6 0
                                    

Marcos' POV

Napaupo ako bigla sa sahig. Nakita ko silang paalis na. Alam kong mali ang ginawa ko pero nakakapikon na kasi yung troy na yun eh!

Umuwi na ako sa bahay nakasalubong ko agad si manang.

"Iho, kumain ka na ba?" Tanong niya habang nagmano ako sa kanya.

"Busog pa po ako manang. Si mommy po?"

"Andoon sa garden. Nagdidilig" aniya

"Sige po. Puntahan ko po muna"

Pinuntahan ko si mommy na nagdidilig ng kanyang mga halaman. Nang makita niya ako agad naman siyang ngumiti. Nag mano agad ako.

"Why you look sad?" Tanong ni mom sakin. Umiling lang ako at ngumiti.

"Iho, I know when look sad. I can see it in you're eyes. Tell me" aniya habang nagdidilig ng halaman niya.

"Is it about a girl?" Tiningnan ko lang si mom ng sinabi niya yun. Agad niyang tinigil ang pagdidilig at umupo sa harap ko.

"I knew it.." Tumatawa naman siya "Ganyang ganyan ang mukha ng daddy mo pag nag aaway kame noon" tumingala siya sa langit habang nagrereminisce ng nangyari sa kanila ni dad noon. "But even thou ganun ang dad mo. I still love him no matter what. Kahit na nagkamali sila ng nanay mo, pinatawad ko parin siya. Ganun ko siya ka mahal. Hay, so tell me who's that girl?" Tumingin siya sakin na naghihintay ng sagot ko.

"She's just nobody mom. Saka she has already a boyfriend. Di niya na ako kailangan" nagtaka si mom.

"What? Bakit kinailangan kaba niya noon?" Kinwento ko kay mom mission namin ni danica. Sobrang gulat siya at tumawa.

"Hahahaha! Teenagers nowadays! But you are no longer teenager. 23 kana at siya 21 right?" Tumango lang ako "iho, you like her" tiningnan ko si mom seryoso nga siya. Di ko naman dinedeny na hindi ko gusto si danica eh pero may gumugulp talaga sa isipan ko eh. "No. You love her" yan lang ang narinig ko kay mom at agad siyang nagyayang kumain muna kami.

No. You love her

No. You love her

No. You love her

Tsssss! Imposible! Napakaimposible! Hays! Bwisit talaga yung babaeng yun! Bat ba kasi ako pumayag sa mission na yun! Sana di nalang ako pumayag.

Dinner time na at kompleto kami nga sa hapagkainan. Dadatin daw si ate mimi ngayon except kay ate monique na nasa london na ngayon at may pamilya.

"So marcos how are you?" Tanong ni ate mimi sakin habang kumakain kami.

"Im fine ate" sagot ko sabay ngiti.

"Mukhang gumwapo ka ah. Alam mo gusto kitang gawing model. Pero... Parang may kulang..." Aniya habang tinitingnan ako ng mabuti. Tumayo siya at tiningnan ang katawan ko "Work out! You just need to work out!"

"Ha ah eh? Ate..." Di ko kasi gustong maging modelo.

"Cmon marcos! Please?" Hays. Matatanggihan ko ba to?

"Sige na kuya! Susuportahan kita!" Ani naman ni yumi.

Tiningnan ko naman si mom at dad na ngumingiti lang samin. Bumalik ako ng tingin kay ate at yumi.

"Sige na nga!" Sabi ko sabay inom ng juice.

"Yeeeey! May kuya na akong model!" Parang bata talaga tung si yumi.

Mission: Make my Ex-boyfriend JealousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon