Marco's POV
Apat na araw na ang nakalipas. Thursday ngayon kaya day off. Apat na araw nadin simula nung nangyari sa mall. At apat na araw nading di nagpaparamdam si danica. Teka! Bat ba ako nalulungkot! Dapat nga masaya ako kasi nakuha ko na sweldo ko kahapon. Paki connect? Haha
Binayaran ko ang board ko dito at nagbili ng pagkain. Pagtapos niyan napahiga nalang ako. Kinuha ko ang cellphone ko. Minsan ko lang tong binubuksan eh, pag pindot ko ng home screen mukha niya agad ang nakita ko. Hay namimiss ko na siya. Teka!!! Bat ko ba siya namimiss!
Hays makalaro na nga lang dito. Nabobored na ako eh. Pero habang naglalaro di parin siya matanggal sa isipan ko. Ano ba tong nangyayari sakin! Tsss!
Di ko napigilan sarili ko agad ko siya tinawagan. Nakadalawang ring palang agad niyang sinagot
Hello?
"D?"
Marcos? Napatawag ka?
"Ah kasi ano..Ka..kasi.. Ah... Wala sige nevermind bye!" Agad ko pinutol ang linya. Wrong move marcos!
Narinig kong nagring phone ko. Tumawag siya ulit. Sinagot ko agad yun.
"D, sorry napi.."
I miss you marcos. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko sa sinabi niya. Pero narinig ko namang nag smirk siya. Tama nga ako pinagtritripan lang ako neto. Edi sasabay ko narin to! Total inumpisahan niya nadin.
"I miss you too D" matagal pa bago siya nakapagsalita
Really? Then let's date!
"Sige ba."
Sige mag ayos ka na. I'll be there in 30mins.
"Teka? Nakaligo kana?"
Of course. See you in a bit babe..." Pinagtritripan niya talaga ako dahil bago niya ibaba narinig ko siyang tumawa.
Ganun? Hah! Humanda ka. Ipapakita ko sayo ang charisma ko.
Agad akong nagayos at nagpapogi. Talagang in 30mins nasa labas na siya ng boarding house ko.
"Ikaw mag drive" tinapon niya sakin ang susi at agad ko naman yung kinuha. Ngumiti lang ako sa gawi niya.
Tahimik lang kami sa byahe. Nangbiglang niyang basagin ang katahimikan
"Saan na tayo pupunta?" Buti naman napansin niya na.
Tinigil ko na ang kotse. Tumingin siya sa labas.
"Amusement park?" Tanong niya.
"Obviously. Tara na!" Total sweldo ko kahapon lilibre ko siya ngayon dito.
Sumunod lang siya sakin.
"Tara mag roller coaster tayo!" Anyaya ko. Pero ng hinila ko siya bigla niya kinuha ang kamay niya.
"Teka? Takot kaba?"
"Hi..hindi ah! Kasi..ano..uhm.. Dun nalang tayo!" Tinuro niya ang pangbatang rides. Hahahaha nakakatawa!
"Pangbata yan! Lika na!" Di na siya umangal. Ng sumakay na kami at inayos ng lalaki ang upuan namin.
"Te..teka..bababa nalang ako.. Di ko talaga kaya" hahaha namumutla na siya.
"Wag kang magalala. Andito lang ako. Dali! Hawakan mo kamay ko" sumunod naman siya at tumango nalang.
"Masaya to! Hinding hindi ka magsisisi" pinilit niyang ngumiti. Nagsimula ng umandar agad niya hinigpitan ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Haha napangiti nalang ako sa gawi niya.
BINABASA MO ANG
Mission: Make my Ex-boyfriend Jealous
ChickLitDanica Delos reyes had a brilliant Idea to make his Ex-Boyfriend back. With the help of Marcos Manalaytay Salvares they both make a mission. Magiging succesful kaya sila? o isang bihag lang pala ang mission na iyon?