CHAPTER 32

107 9 0
                                    

Kaya ba hindi nila sinabi sa'kin kung nasaan siya dahil dito? Wala ba talagang kapatawaran yong nagawa ko kaya nilihim sa'kin ? Pero sana manlang, naisip din nila kung ano ang magiging epekto niyon sa'kin sa sandaling malaman ko ang tungkol sa bagay na ito. Sabagay, sino ba naman ako para pahalagahan ang kung ano ang mararamdaman ko sakali man. Ako nga pala ang dahilan kung bakit nagkaganun ang kaibigan nila in the first place.

Pagkagising na pagkagising ko kanina, kaagad na akong kumuha ng ticket byahe patungo sa lugar ng Archer ko. Five years ago ko pa nalaman kung saan siya nakatira, dahil halos halughugin ko ang buong mundo makita ko lang siya kung kaya't napadpad ako sa lugar niya.

Kung alam ko lang sana na nagsundalo siya edi sana nagsundalo na rin ako para lang makasama siya. I'm willing to take the risk if that's the only reason I've got to be with her.

Naalala ko pa noon nung nagpunta kami dito sa lugar nila Archer kasama ang kapatid ko at dalawang pinsan. Mababait naman yong parents niya, hinabol ngal ang kami nang palakol ng tatay niya dahil sa nasabi ni Vandross na mga manliligaw kami ng anak nila.

Walang katapusang mura ang inabot niya noon galing saaming tatlo dahil dun. At sa pangalawang beses na sinubukan namin ang kausapin yong parents ni Archer, naging okay na ang lahat dahil hindi na kami hinabol ng palakol at tuluyan na kaming pinapasok ng Mama niya.

Grabeng panlulumo din ang naramdaman ko sa mga sandaling yon dahil bukod sa wala silang alam kung nasaan yong anak nila, nalaman ko rin na ikakasal na pala ang Archer ko sa iba. Dapat daw after graduation ang kasal nang dalawa kaya lang biglang nawala si Archer ng walang pasabi.

Sa mga sandaling yon, ipinag pasalamat ko na umalis siya ng walang paalam dahil hindi rin sa wakas natuloy yong kasalan, at the same time nasaktan ako. Halos araw-araw niya akong ginugulo at nagkasama pa kami nang halos dalawang linggo sa lugar nila Lola ineng hindi niya manlang nabanggit sa'kin ang tungkol sa nalalapit niyang kasal.

Kung nagkataon pala namamalayan ko nalang na yong dapat sanang bride-to-be ko ay wife-to-be na ng iba. But I'm not gonna surrender her to someone without giving a fight.

Napahinga muna ako nang malalim bago ko tuluyang pindutin ang doorbell ng kanilang gate. Sana naman sa pagkakataong ito, hindi na ako mahabol ng palakol.

"Ikaw pala Christian, halika tuloy ka." nakangiting bungad sa'kin nang Mama ni Archer.

Simula ng magpunta kami dito noon, palagi ko na siyang kinukumusta sa pamamagitan ng phone call, kung kaya't panatag na ang kalooban ko sa kanya na hindi niya ako hahabolin ng itak o palakol. It's her father ang pinangangambahan ko ngayon. Ewan ko ba, simula palang ayaw niya na sa'kin, mas malapit pa nga siya sa tatlo kesa sa'kin e. Tsk, hindi ko tuloy alam kung paano ko siya haharapin ngayon.


"Honey, may bisita tayo." malakas na tawag ng Mama ni Archer sa labas ng kusina. At hindi nga nagtagal pumasok doon ang isang lalaking may hawak na palakol na kumikintab pa ang talim.

Lihim na lang akong napalunok ng bumaling ang tingin niya sa'kin na kaagad nitong ikina kunot ng nuo.

"Anong kailangan mo? Bakit nandito ka na naman?"

"Honey naman, ikalawang beses pa nga lang na nagawi dito sa atin itong si Christian, kung makaasta ka naman parang araw-araw na siyang naglalagi dito... " napapailing na pumagitna sa amin ang Mama ni Archer sabay baling sa'kin..."anong gusto mong meryenda Christian?"


"Hindi na po ako magpapaliguy-ligoy pa. Nagpunta po ako dito para personal na makiramay sainyo ma'am...." pigil ang luha na napayuko ako sa sandaling lumabas ang mga katagang yon sa aking bibig.

Subrang bigat, napaka bigat sa dibdib na hindi manlang kami nagka-usap ng masinsinan ni Archer bago siya nawala.

Hindi ko manlang naibigay sa kanya yong surprise ko nung araw na 'yon. Napakarami ng mga bagay na hindi ko manlang nagawa sa kanya bago siya tuluyang kinuha ng maylikha.

Ang Pahard To Get Kong Nililigawan (COMPLETED)Where stories live. Discover now