CHAPTER 33

127 10 0
                                    

Ano ba yan, bakit hindi ko kayang salubongin ang titig niya sa'kin? He seems familiar at the same time unfamiliar, was this because we didn't have any contact for how many years? Was this the feeling of naninibago dahil sa tagal ng panahon bago kami nagkita? Or hindi lang talaga ako sanay sa bago niyang style?

Sino ba naman kase ang mag-aakala na yong dating halos patpatin kong minahal na bakla ay magiging ganito na kaganda ang hubog ng katawan. His perfect muscle na hindi kalakihan but good enough para matawag nang masculine ditulad ng dati. A not so thick black eyebrows, those tantalizing chocolate brown eyes, perfect nose line, prominent jawline and those sinful lips... sinful dahil inaakit na naman ako nito na tikman ang mamula-mula niyang mga labi.


And seeing him for the first time after those years, masasabi kong hindi na naman maganda ang lagay ko, lalo na itong puso ko na para yatang aatakihin na.

Napatikhim na umiwas nalang ako ng tingin sa kanya at baka talagang atakihin ako nito sa puso.

Funny, five years kaming hindi nagkita at sa five years na 'yon hindi manlang ako nagkainteres sa ibang lalaki, marami akong nakilalang mga gwapong nilalang pero wala manlang ang mga ito epekto sa'kin.


Tapos ngayon, presensya niya palang sapat na para pakabugin ng ganito kalakas ang dibdib ko. Ganun ba talaga ako ka inlove sa lintik na baklang to?...bakla pa rin ba siya hanggang ngayon?









"Done admiring me my Archer?" nakangiti nitong tanong sa'kin. And seeing those smile, wala na, finish na. Hindi nga talaga ako nakalimot sa kanya sa kabila ng nangyari.








"K-kumusta kana?" kahit simple niyang pangungumusta sa'kin, pakiramdam ko nanalo na ako sa lotto!

Kalma Arcenith, babae ka kaya dapat maghintay ka lang hanggang sa gumawa ng unang hakbang yong lalaki.








"Single ka pa rin ba?"

Lihim nalang akong napamura ng yon kaagad ang lumabas sa bibig ko. Sabi ng kalma lang, bida-bida naman itong bibig ko! But who cares, sinasabi ko lang ang gusto kong sabihin, and besides wala namang masama dun sa sinabi ko.

Hindi porket ako ang babae saaming dalawa ay maghihintay nalang ako hanggang sa gumawa siya ng unang hakbang.

Walang batas tungkol dun. Walang batas na dapat lalaki ang siyang nag e initiates saaming dalawa. Gusto ko siya. Mahal ko siya. Kaya hangga't may chance pa akong maka-usap siya, matanong siya ng mga bagay-bagay hindi ako magdadalawang-isip na gawin yon.

Love may not be a race nor a competition, but you won't win or gain without risking anything and fighting for it.








"Taken."

One word, two syllable, 'taken' salitang unti-unting nagpagunaw sa mundo ko. Was five years from being apart were that long for him kaya meroon na siyang iba?

Sabagay noong bago pa nga lang kami, meroon na siyang iba. Pero hindi pa naman kami officially na nag break, may karapatan pa rin ako sa kanya!

Masyado ba akong nag-inarte kaya nahuli ako? Yong pag-iwas ko ba dati sa kanya ang ginawa niyang basehan na wala na kami, kaya pwedi na siyang pumasok sa panibagong relasyon?

Guess I'm too late already. Siguro hindi nga kami para sa isa't-isa kaya ganito yong nangyari. Masyado naman yata akong selfish na after what I've done to him, iniisip ko pa rin na magkakaayos pa kami. Ito na nga yong pinaka iniiwasan ko noon ang tuluyan na siyang mawala sa'kin at mapunta sa iba kaya ninais ko nalang ang magpakalayo-layo.

Ang Pahard To Get Kong Nililigawan (COMPLETED)Where stories live. Discover now