Chapter 2

2.5K 73 6
                                    

NIYAKAP ni Jackie Jane ang suot na cardigan sa kaniyang katawan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NIYAKAP ni Jackie Jane ang suot na cardigan sa kaniyang katawan. Pinaghalong kulay dilaw, brown at white ito. Binigay ito sa kaniya ng ama na si Prince Slate. Gawa ito ng kaniyang grandmother para sa kaniya.

Pilit siyang ngumiti sa magulang, kapatid at kababata nang kantahan siya ng happy birthday ng mga ito.

Isang taon na ang lumipas simula maramdaman niya ang pagbabago sa buong katawan. Kung siya ang tatanungin ay hindi na niya gusto pa sumapit ang panibagong taon.

Natatakot siya sa pwedeng mangyari pa para sa kaniya. Nang dalawin siya kagabi ng lalaki sa kaniyang panaginip ay kinalibutan siya ng maalala ang sinabi nito sa kaniya.

"Jackie Jane."

Nabalik ang ulirat niya ng tawagin siya. Tinitigan niya ang mga ito. Mahahalata ang pag aalala sa kaniya. "Blow your candle, sweetheart."

Tinitigan niya ang cake sa kaniyang harapan na hawak ni Grayson. Inengganyo siya nitong ihipan ang kandila.

Akala ng lahat na hihiling pa siya ngunit mabilis niyang pinatay ang kandila at pinasalamatan ang lahat.

Binitawan ni Grayson ang hawak na cake at mahigpit na niyakap ang kapatid. Humalik pa ito sa noo ng dalaga.

"Happy birthday," bati ni Grayson sa kapatid.

Naramdaman naman ni Jackie Jane ang isa pang yakap sa kaniyang baywang banda. Pagbaba niya ng tingin ay nakatingin sa kaniya ang bilugang mata ng isang magandang fae na batang babae.

"Happy birthday, ate JJ." Hinaplos ni Jackie Jane ang namumutok nitong pisngi. "Thank you, Chepi." Humalik pa siya sa noo nito.

That's right.

Tatlo silang magkakapatid. Ang ama niya ay si Beta Echo. Ama naman ni Grayson ay si Alpha Primo habang ang ama ni Chepi ay si Prinsipe Slate.

Binuhat ni Grayson si Chepi pagkatapos ay hinalikan ang pisngi nito. "Ang laki na ng little fairy namin. Ang bigat na rin," asar ni Grayson sa bunsong kapatid.

Bumusangot naman si Chepi. Kuminang pa ang marka nito sa magkabilaan na sentido. Pa-curved ang guhit nito na may ilang maliliit na snowflakes. Agad na lumapit si Nyebe sa anak at kinuha si Chepi sa bisig ni Grayson.

"Ang pangit ni kuya," naka-busangot pa rin na saad ni Chepi. Nagtawanan naman silang lahat. Napailing na lang si Jackie Jane kay Grayson.

MAY inggit na tinanaw ni Jackie Jane sa bintana mula sa silid niya si Accalia kasama ang kambal nitong si Conri at ang kababata nilang si Pollo.

Tumatakbo ang tatlong lobo galing sa loob ng kakahuyan. Lahat sila ay may sarili ng mga lobo habang siya ay umaasa pa rin na lalabas ito kahit na hindi man lang niya naririnig ang she-wolf niya.

No'ng bata siya ay alam niyang mayro'n siyang she-wolf dahil nararamdaman niya ito. Ngunit no'ng sumapit ang edad niyang disiotso ay bigla ito unti-unting naglaho.

IngkuboTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon