Chapter 15

1.4K 63 14
                                    

MABILIS na tumakbo ang binata na si Pollo patungo sa silid ni Jackie Jane

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

MABILIS na tumakbo ang binata na si Pollo patungo sa silid ni Jackie Jane. Sigurado na siya ngayon na ang alagang fox ng dalaga ay isang warlock shifter. Ito rin ang binata naka-encounter nila kagabi.

Hinihingal na tumapat siya sa silid ng dalaga. Sobrang bilis ng takbo ng kaniyang puso. Nalilito na siya sa kaniyang damdamamin.

Walang kasiguraduhan kung si Jackie Jane ba ang binigay ng Moon Goddess sa kaniya hangga't hindi pa sumasapit ang bente dos na edad ng babae. Ngunit, ang kaniyang nararamdaman. Ang halik na pinagsaluhan nila.

Pilit siya tinutulak palapit kay Jackie Jane.

Punong-puno rin ang kaniyang nararamdaman. Para siyang pinipiga habang iniisip na may ibang lalaki na kasama ang dalaga.

Tumakbo pa sa kaniyang isipan ang incubus na dumadalaw sa dalaga. Mas lalo siya nainis. Mariin niya binilog ang kamao. Namumuti na ito sa kaniyang pagpipigil habang titig na titig sa harapan ng pinto.

Sa likuran nito ay ang dalaga at alaga nitong warlock shifter. Pinaghandaan niya ang sarili. Hindi niya alam ang magagawa kapag nakita na niyang magkasama ang dalawa.

"Fuck it." He knocked. Twice.

A little while. Biglang narinig niya ang boses ni Jackie Jane.

"S-sandali lang! N-nag bibihis ako!"

Namula si Pollo sa kaniyang narinig ngunit agad din nag laho iyon nang sumingit ang wolf niya sa kaniyang isipan. Pinakitaan siya nito ng isang imahe na sobrang hindi niya nagustuhan.

Sigurado ang binata na gawa lang iyon ng kaniyang wolf para mas lalo siya mainis dahil ramdaman niya ang sobrang galit nito sa kaniyang kaloob-looban at nadadamay siya nito.

"Jackie!" he whispered shout.

Nag panicked ang dalaga sa likod ng pinto. Nanlilisik na tinitigan niya si Owen naka sleeping pretty sa kama. He kept refusing to change.

"I hate you!" mahinang bulong ni Jackie Jane bago bumaling sa pinto.

Biglang bumukas ang pinto ngunit hindi ito tuluyan bumukas. Inis ni Pollo tinitigan ang dalaga. Sobrang kinakabahan naman si Jackie Jane dahil ayaw pa rin pumayag ni Owen mag palit sa fox form nito.

"P-pollo! May problema ba?" Jackie Jane asked. Pinagmasdan ito ng binata pagkatapos ay umiwas siya ng tingin. Tuluyan binuksan ni Pollo ang pinto na kinagulat ni Jackie Jane.

Natigilan si Pollo. Bumungad sa kaniyang harapan ang lalaki kagabi nakahiga sa kama. Unti-unti binuksan ni Owen ang mata at tinitigan si Pollo.

IngkuboTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon