Chapter 17

1.3K 50 1
                                    

NANG magising si Jackie Jane sa pagkakatulog ay bumungad sa kaniya ang gawa sa kahoy na kisame at mga dingding

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NANG magising si Jackie Jane sa pagkakatulog ay bumungad sa kaniya ang gawa sa kahoy na kisame at mga dingding. Marahan niyang kinusot ang mga mata. No'ng una ay akala ng dalaga nakabalik siya sa kanilang greenhouse.

Ngunit napansin niyang hindi naman pala. Tumayo siya sa kama at lumapit sa nakabukas na malaking bintana. Tumama ang malamig na hangin sa kaniyang balat. Unti-unti na sumisilay ang bukang liwayway. Mas niyakap ni Jackie Jane ang sarili dahil sa lamig. Kitang-kita sa hindi kalayuan ang malaking bundok.

Nakatayo ang isang cabin sa gitna ng kakahuyan. Sa unahan ng cabin ay may dalawang kabayo ang nakatali sa makapal na kahoy. Payapang kumakain ang mga ito ng damo.

"You're awake."

Nilingon ni Jackie Jane si Owen. Nakangiti ito sa kaniya. Niyakap niya ito nang makalapit ito sa kaniya.

"Bakit hindi ka natulog sa tabi ko?" tanong niya. Nasanay na kasi ang dalaga na katabi matulog si Owen. Mapa-fox form nito o human form.

Isang dahilan din ay natatakot ang dalaga makatulog ng mag-isa lang. Kailangan niya ng makakasama kapag nagigising siya sa madaling araw sa tuwing hindi na naman nagpakita sa kaniya si Caliban sa kaniyang panaginip.

"I'm with you. Actually, all of us were checking on you. Sorry kung hindi ako nag stay. Ayaw pumayag ni Grayson. Masyado na raw ako umaabuso."

Natawa si Jackie Jane sa ibabaw ng dibdib ng binata. Magkayakap pa rin kasi sila nito habang marahan na hinahaplos ni Owen ang kaniyang buhok.

"Thank you."

"You're always welcome." Hinalikan siya ni Owen sa noo. Pinatitigan niya ang kulay kahel nitong mata. Inabot niya ang pisngi nitong may galos.

She sighed. "Ayos ka lang? May nasaktan ba sa inyo?" nag aalala na tanong ni Jackie Jane. Umiling si Owen.

"We are all fine. 'Wag ka mag alala. By the way, baby Jane. Humihingi ng pasalamat si Aiden sa 'yo. After decades of being there. Makakauwi na siya sa inyo."

"We should be thankful to him as well. Kung hindi dahil kay uncle, baka tuluyan na tayo nag stay sa lugar na 'yon. Hindi ko alam na may nag e-exist na gano'n lugar. I want to help them, cha-cha."

"After we get you the golden apple. Babalik tayo." Nilagay ni Owen ang ilang hibla ng buhok sa likod ng kaniyang tainga. Hinaplos pa nito ang pisngi niya bago siya nito hinalikan sa labi.

He kissed her so passionately. Jackie Jane felt so safe at ang puso niya ay kalmado kahit sobrang bilis ng tibok nito.

May panunukso na kinagat ni Owen ang ibabang labi niya. Nang mabuka niya ang bibig ay pinasok ni Owen ang dila sa kaniya. Their tongues fought for dominance in the most sinful way.

She couldn't help but to escaped a moan. Humigpit ang kapit ni Owen sa kaniyang pisngi maski ang isang kamay nito ay pumisil na sa kaniyang baywang. Nagkadikit ang kanilang mga katawan sa isa't isa.

IngkuboTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon