Chapter 3

2.3K 71 2
                                    

SA unang palapag ng greenhouse ay may salas

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

SA unang palapag ng greenhouse ay may salas. Sa gilid nito ay may mini kitchen din pero hindi nagagawa mag luto ni Jackie Jane dahil hindi ito marunong.

Nakaupo ang dalawang magkaibigan sa malaki, malambot at mahabang couch. May mga naka-spread na mga makapal na libro sa paligid.

Hindi tumigil si Jackie Jane sa paghahanap ng kasagutan. Tinulungan na rin ito ni Accalia nang dumalaw ito sa kaibigan.

"Come on, Jane. Eat this pizza. Pinagawa ko pa 'yan kay auntie Riley para sa 'yo," reklamo ni Accalia dahil kanina pa hindi kumakain si Jackie Jane.

"I'm not hungry, Lia." Nag patuloy si Jackie Jane sa pag buklat ng mga makapal na libro.

Mahahalata sa mga libro na matagal na ito. Ang bawat pahina ay naninilaw na kung kaya mas maingat na hinahawakan ng dalawa ang mga ito.

Bumuntong hininga si Accalia. Gusto lang naman niya kahit papaano ay mapakain ang kaibigan. Hindi man niya ito kadugo ay itinuturing na naman niya itong tunay na sister.

"Mauubos 'kong basahin ang mga libro na wala akong mahanap na kasagutan." Sinara ni Jackie Jane ang libro at bumagsak ng higa sa couch. Bumaling pa ito kay Accalia into curled.

Inabot ni Accalia ang kamay ni Jackie Jane. "Don't say that. Makakahanap din tayo ng kasagutan."

"Paano kung huli na?" may lungkot na saad ni Jackie Jane.

"Jane!" singhal ni Accalia.

Nasasaktan siya marinig na gano'n ang sinasabi ng matalik na kaibigan. Pinapangako niya sa sarili na hahanap sila ng kasagutan para hindi na niya marinig ang mga negative na sinasabi nito.

"I'm sorry," Jackie Jane murmured then tumayo siya para mag unat at kumuha ng pizza. "I'm going to eat this. Salamat, Lia."

NAG pakawala ng buntong hininga si Jackie Jane nang mapansin wala na naman siya sa kaniyang silid. Binalot ulit siya ng kadiliman at himig ng pagaspas ng isang malaking pakpak sa hindi kalayuan.

Katulad ng palagi niyang panaginip. Nasa kakahuyan na naman siya. Napansin niyang nakasuot siya ng manipis na puting sleeping dress. Iba sa suot niyang pantulog.

Wala rin sapin ang kaniyang mga paa. Diretsong tumatama sa kaniyang balat ang malamig na lupa, maliit na kahoy, bato at dahon.

Mabilis siyang nag lakad upang sundan ang pagaspas ng pakpak. Nang mahinto siya. Sa likod ng malaking puno ay may isang itim na anino.

May malaking pakpak ito na hindi magtigil sa pag pagaspas hanggang tuluyan ito makababa sa lupa. Kumunot ang noo niya dahil hindi niya masilayan kung sino ito.

Biglang nawala ang pakpak nito. Do'n niya napansin kung gaano ito kalaki at katangkad. Pansin niya rin sa anino nito ang sungay sa noo nito at napasinghap siya nang makitang may mahabang buntot ito sa likuran na may patulis.

IngkuboTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon