Chapter 34

416 9 0
                                    

Envy

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Envy

HINIHINGAL napabangon siya sa pagkahiga. Hinahabol niya pa ang paghinga niya nang unti-unti siya nagkaroon ng wisyo at natitigan ang lugar kung nasaan siya.

"Where am... Saan... ak—"

May kumaluskos sa gawing kanan niya. Nagulat siya nang makita kung sino ito. Isang babae ang nakatalikod sa kaniya na para bang may hinahanap ito.

"W-why am I t-there?" Turo niya sa sarili sa gawing kanan pagkatapos ay tinitigan niya ang dalawang kamay. She definitely was here standing where she was suited but she was also sure that girl was her.

Nang lumingon ang kamukhang-kamukha niya sa gawi niya ay agad siya nagtago. Takot sa pwedeng mangyari kapag nagtagpo ang kanilang mga mata.

Nanginginig ang kamay na gumapang siya sa damuhan palayo kung nasaan ito. Ingat na ingat na hindi makagawa man lang ng ingay na magsasabi nandoon siya.

Naalala niya. Ito ang unang araw kung saan nagtagpo sila ni Owen. Kung saan pinangalanan niya itong Cha-cha dahil buong akala niya ay isa lamang itong normal na fox.

Hindi niya akalain na isa itong fox-shifter at pinakakinagulat niya pa ay isa ito sa kaniyang mga mate.

Nagpatuloy siya sa paggapang nang marahan hanggang matigilan siya.

Isang pares ng sapatos.

Kinakabahan na inangat niya ang ulo at nagtama ang kanilang mga mata. Kumikinang ang kulay orange nitong mata habang titig na titig sa kaniya.

"O-owen?"

Nagtataka siya na tinitigan ito. Ibang-iba sa Owen na huli niyang kita ang nasa harapan niya ngayon.

Alam niyang si Owen ito pero alam niya rin na hindi ito si Owen na madalas asarin ni Ailwi na isang bata dahil sa edad nitong disinuwebe.

Dahil ang Owen nasa kaniyang harapan ay may higit na ilang taon sa dapat na edad nito. Ang makisinig na mangangatawanan ng binata ay mas lalong kumisig. Nagkaroon din ito ng manipis na stubble sa kaniyang magandang pagmumukha.

Lumuhod ito at inalayan siya makatayo nang maayos. Speechless pa rin siya sa kaniyang nakikita at ang tanging kaya niya lang gawin ay titigan ito.

Mahinang natawa ito habang pinapagpagan nito ang nadumihan niyang kasuotan.

"Fox got your tongue, baby Jane?" Mas lumalim ang barito ng boses nito.

IngkuboTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon