Chapter 22

1.1K 49 5
                                    

NANLALAKI ang mata ni Jackie Jane sa kaniyang nasaksihan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NANLALAKI ang mata ni Jackie Jane sa kaniyang nasaksihan. Maraming cage ang nasa kanilang unahan. Malalaki at maliit din ito.

Do'n niya lang din narinig ang mahihinang boses na kung saan narinig ni Jack sa malayo pa lang. Bigla tuloy siya na-curious kung anong klaseng nilalang ang binata.

Hindi man lang kasi sinabi ni Jack sa kanila kung ano ito. Wala rin silang clue dahil hindi nila mawari kung anong klaseng nilalang ito.

"Don't move," saad ni Jack. Hinarang pa nito ang braso sa kaniyang harapan.

Tinitigan ng dalaga ang braso nitong nakaharang sa kaniya pagkatapos ay binalik ang tingin sa unahan.

Sigurado si Jackie Jane na cage ang mga iyon. Kahit pa lahat ito ay may nakataklob na makakapal na tela upang hindi makita kung ano ang tinatago ng mga taga carnival.

Hindi man lang nagawa ni Jack tumingin sa dalaga bago umabante ng lakad.

Habang si Jackie Jane naman. Gustuhin man niya suwayin ito ay hindi naman niya maihakbang ang kaniyang mga paa. Maski magsalita ay hindi magawa ng dalaga.

Tanging nagawa na lang nito ay panoorin si Jack sa paglapit sa isang malaking cage nasa gitnang bahagi. Dahan-dahan ito naglakad hanggang tumapat ito sa cage.

Jackie Jane wanted to say something but she still wasn't able to speak. Hindi niya maintindihan kung bakit. Para bang may mahika nag kokontrol sa kaniya.

Until, inalis ni Jack ang takip na tela sa cage. Bumagsak ang tela sa lupa at bumungad sa kanilang dalawa ang isang malaking aquarium.

At hindi lang iyon ordinaryo dahil sa mga oras na iyon ay nakatingin sila sa isang merman na may gapos at natutulog sa loob ng aquarium.

AGAD na hinila ni Jack si Jackie Jane nang makarinig ito ng isang yapak na paparating sa kanilang gawi.

Gulat na gulat ang dalaga nang maglapat ang kanilang palad sa isa't isa. Parang kinakapusan ang dalaga habang tumatakbo sila palayo sa tent na may mga hawla sa loob.

"S-sandali!" hinihingal na saad ni Jackie Jane pagkatapos ay agad itong bumitaw sa pagkakahawak ng kamay ni Jack.

Napansin pa ni Jackie Jane ang pagdako ng mata ni Jack nang bumitaw ang kamay nila sa isa't isa bago ito mariin na tumingin sa kaniya.

Buong akala niya ay may sasabihin ito dahil sa paraan nito tumingin sa kaniya pero tanging ginawa lang nito ay titigan siya na para bang may nagawa siyang masama.

IngkuboTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon