Chapter 33

376 9 0
                                    

Envy

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Envy

MABILIS ang tibok ng kaniyang puso nang subukan niya dumapa upang makatayo sa kaniyang pagkakahiga sa lupa. Tumutulo ang tubig sa kaniyang mukha at buong katawan dahil sa pagbagsak niya sa talon.

Sa daming nangyari sa kanila ay hindi na niya maunawaan kung ano ba ang totoo sa hindi.

Ang tanging gusto lamang niya ay makuha ang gintong mansanas pero bakit kailangan nila dumaan sa maraming pagsubok upang makuha lamang ito?

Nang makatayo siya ay muntikan pa siya ma-out of balance. Maski ang balanse niya ay hindi na niya ma-control.

Sino ba naman kasi ang may tamang pag-iisip ang pabagsakin siya sa himpapawid patungo sa malakas na talon?

Ang Grim reaper lamang!

Ano ba ang kaniyang kasalanan dito at nagawa nito siya igapos at itulak sa pinto?! At sa una pa lang, bakit siya nasa impiyerno?!

Ano ba ang kaniyang nagawa?!

Dumako ang paningin niya sa kaniyang mga kamay. Kanina pa pala ito hindi nakagapos at hindi niya man lang ito namalayan.

"Jackie!"

Hindi siya makapaniwala nang iangat niya ang kaniyang ulo. Patakbong sumalubong sa kaniya si Pollo. Hindi man maintindihan ang nangyayari. Nakaramdam siya ng kaginhawaan na malaman may kasama siyang kaibigan sa kagubatan na iyon.

Mahigpit siyang niyakap nito. Sumubsob pa ang kaniyang pagmumukha sa dibdib nito.

"I'm glad you're here," she whispered.

"Jackie."

Umangat ang tingin niya rito. "Mahal kita," biglaan niyang pag-amin dito. Hindi ito nakapagsalita. Parehas silang dalawa nagtitigan sa isa't isa.

Mariin niyang kinagat ang ibabang labi. Halong takot at pangamba. Ito ang kaunahang beses na sinabi niya ang nararamdaman sa binata.

Nang bigla ito ngumiti ng malawak at namalayan na lang niya ang sarili na tumutugon sa bawat hagod ng halik nito sa kaniyang labi.

Matatamis ang binibigay na halik ni Pollo sa kaniya. At sa bawat halik nito ay mas lalo siyang nababaliw matikman ito. Ramdam na ramdamn niya ang punong emosyon at pagmamahal nito para sa kaniya.

At ang bawat yapos at hawak nila sa isa't isa ay para bang takot silang pakawalan ang bawat isa. Bawat haplos sa balat ng mga ito ay para bang gusto nilang iparamdam kung gaano kaimportante ang isang tao na iyon para sa kanila.

Bumitaw si Pollo sa paghalik sa kaniya at pinatitigan siya nito sa mata.

"You're so beautiful," ani Pollo habang hinawakan nito ang spaghetti strap ng suot niyang puting bestida na unti-unti na rin nitong binababa.

IngkuboTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon