Chapter 20

1.7K 56 8
                                    

TINITIGAN nila ang mahigpit na hawak ni Pollo sa braso ng lalaki

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

TINITIGAN nila ang mahigpit na hawak ni Pollo sa braso ng lalaki. Naguguluhan na dumako ang tingin ni Jackie Jane sa lalaki.

"Who's that?" tanong ni Grayson.

Lahat ng atensyon nila ay dumako sa lalaki. Hinihintay kung may sasabihin ba ito. Hindi naman binitawan ni Pollo ang nakitang lalaki.

Mas matangkad ito kay Pollo ng kaunti. Ang kasuotan nito ay para bang nagmula pa ito sa nakaraan. Color dirty white ang suot nitong kamiso. Naka-bukas ang tatlong butones sa harapang dibdib. Itim naman ang pantalon nito at suot na boots.

And he was wearing a necklace na may pendant na skull. Lumiliwanag ang pulang mga mata ng bagay na iyon.

Nawala lang ang atensyon ni Jackie Jane sa pendant nang marinig nilang magsalita ang lalaki.

"I'm Jack."

Nagulat si Jackie Jane nang makitang nakatingin ito sa kaniya. Agad siyang nag-iwas ng tingin dito bago kumapit sa braso ni Owen nasa tabi niya.

"At ano naman ang ginagawa mo rito sa kagubatan?" tanong ni Ailwi.

Tumingin si Jack kay Pollo. Hindi pa rin nito binibitawan ang lalaki. Agad naman napaiwas ng tingin si Pollo. Bigla kasi nito naalala ang uncle Jack na mate ng kaniyang uncle Apollo.

Tumikhim si Grayson. Umikot ang mata ni Pollo bago binitawan si Jack.

"I'm looking for someone but I got robbed. I don't have food and money. I don't even know where am I."

Everyone would know that was definitely a lie but no one says a thing about it. Tumango lang ang mga ito.

"Would you mind to come with us? By the way, I'm Jackie Jane." Hindi alam ng dalaga kung bakit niya nagawa sabihin iyon sa isang estranghero. Para bang kusang kumilos ang bibig niya na hindi nag-iisip man lang.

Tumingin si Jack sa kaniya. Maski lahat ng kasamahan ng dalaga ay gulat na dumako sa kaniya. Hindi makapaniwala sa kaniyang tinuran.

"I'm not really saying na pinipilit kitang sumama sa'min. Pwede ka sumabay if 'yong tungo mo is that way." Turo ni Jackie Jane sa dadaanan nila. "Since we have foods na pwedeng i-share sa'yo. Then after, pwede ka na pumunta kung saan ka talaga patungo. No attachment."

Saglit na lumingon si Jackie Jane sa mga kasama. Gratefully, sumang-ayon ang mga ito sa kaniyang sinabi. Binalik naman ni Jackie Jane ang tingin kay Jack.

"Sure! Thanks, Jackie Jane." Ngumiti ito na nagpakaba sa dalaga. Para bang kinapusan siya ng paghinga. Umiwas na lang ulit siya ng tingin dito.

"N-no worries," nautal niyang saad. Sobrang kinakabahan siya sa presensiya nito pero ang mas pinagtataka niya. Kung bakit may nararamdaman siyang longing at inis dito.

NAGPATULOY sila sa kanilang paglalakbay matapos nilang kumain at mamahinga saglit. Sa isang kabayo ay kasama ni Jackie Jane si Owen nakasakay habang si Accalia naman ay mag-isa lang sa kabilang kabayo.

IngkuboTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon