Chapter 6

1.8K 64 4
                                    

SA greenhouse sa sala ni Jackie Jane ay comfortable nakaupo ang dalaga habang nag babasa ng libro

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

SA greenhouse sa sala ni Jackie Jane ay comfortable nakaupo ang dalaga habang nag babasa ng libro. Another day na naman nasa bahay lang siya at hindi magawang makalabas kung wala siyang kasama.

Tutok na tutok ang dalaga sa librong binabasa niya nang tumapat sa kaniyang mukha ang isang pixie. Tinitigan ito ni Jackie Jane.

Sa ibabaw ng papel ay nakatayo ang kumikinang na pixie. Ang pixie dust nito ay naiiwan pa sa tuwing nag lalakad ito sa papel ng libro.

Kunot noong tinitigan ito ni Jackie Jane. Hindi siya makapaniwala nakikita niya ito. Ang alam niya kasi ay hindi ito basta-bastang nakikita ng normal na mga tao o ibang nilalang.

Ino-obserbahan niya ang babaeng pixie dahil mukhang natutuwa ito at hindi siya napansin nakatingin sa kaniya nang marinig niya ang ina.

"Jane! Anong ginagawa mo?" tanong ni Nyebe. Nang maramdaman niya na may pixie sa malapit ay hindi nag dalawang isip si Nyebe puntahan kung nasaan ito.

At gulat na lang ni Nyebe na makita ang anak kasama ang isang pixie.

Nagulat naman ang pixie nang marinig at makita si Nyebe. Agad itong lumipad palayo sa mag-ina sa takot na mahuli ni Nyebe.

Inangat ni Jackie Jane ang tingin sa ina nang mabilis itong nakalapit sa kaniya. "Bakit ma? Nag babasa po ako."

Tinitigan ni Nyebe ang anak sa mata. "M-may nakita ka ba?" kinakabahan na tanong ni Nyebe. Hindi niya mawari sa sarili kung bakit siya nakaramdam ng takot nang makita ang anak nakatingin sa isang pixie.

"Ang alin po?" tanong ni Jackie Jane. Alam ng dalaga ang nakita niya but she chose to lie to her mother. Nang makita niya kasi ang ina ay bigla siya kinabahan dahil mukha itong takot.

"Wala, honey. Do you want to go to main house? Chepi wants to eat cookies. You can help her out."

Ngumiti si Jackie Jane. "Ok, po."

HINILOT ni Primo ang sentido dahil sa kapaguran. Bulto-bultong papeles ang nakatambak sa study table niya. Simula naging Alpha siya ay huminto ang mga krimen nangyayari sa kanilang paligid.

Simula nang araw na 'yon. Nakamit nila ang kalayaan at marami ang natuto matanggap ang isang pagiging hybrid sa iba't ibang uri ng kanilang nilalang.

Si Slate naman na pinakabata sa kanilang mag kakapatid ay hindi na nakipagtalo sa korona bilang maging hari simula mamatay ang ama nila.

Pinaubaya ni Slate sa pinakamatanda niyang kapatid ang kaharian at tumira siya sa Redwood para makasama ang kaniyang pamilya.

Naging abala naman si Echo bilang maging Beta ni Primo at ama sa mga anak niya. Madalas nga lang siya lumabas ng borderline dahil sa kaniya inaatas ni Primo ang kasiguraduhan sa labas.

IngkuboTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon