Chapter 27

971 41 12
                                    

NAGPATULOY bumuhos ang malakas na ulan sa buong kakahuyan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NAGPATULOY bumuhos ang malakas na ulan sa buong kakahuyan. Rinig na rinig ito nina Grayson, Pollo, Accalia, at Owen. Ang bawat patak nito na tumatama sa bawat sanga at kalupaan ay ramdam na ramdam ng mga ito.

Para bang sa mga oras na iyon ay hirap silang pigilan ang pag increase ng hearing ability nila upang hindi gano'n marinig ang bawat patak ng ulan at ng mga bagay nasa buong paligid nila.

Nakahanap sila ng malaking puno na pwedeng pagsilungan nila at hindi pa rin nagigising si Jackie Jane kahit sobrang lakas na ng ulan at kulog na sobrang pinag-aalala ng mga ito.

"Ano gagawin natin?" tanong ni Accalia sa mga ito. Nakatabi na rin ito kay Jackie Jane. Umaasa na magising na ang matalik na kaibigan. Hawak-hawak nito ang kamay habang nasa kandungan ni Owen ang dalaga.

"Patilain muna natin ang ulan," sagot ni Grayson. Kahit ito ay kanina pa nag-aalala sa kapatid. Maski kay Accalia ay nag-aalala na rin ito.

Habang si Pollo naman ay kanina pa nanahimik sa isang tabi. Paulit-ulit nito naririnig ang sinabi ni Owen sa kanila kanina. Ang kilala nilang si Jack at si Caliban ay iisa lamang.

"Are you okay?" Accalia asked when she saw Pollo being quite for a while now. Lumingon si Pollo rito at tumango. However, they both know he wasn't.

"We really need to find that golden apple, Grayson," ani Owen. Tumango-tango si Grayson habang pinagmamasdan nito ang buong kakahuyan. Naghahanap kung may pwede silang pagtilaan maliban sa malaking puno na kanilang sinisilungan.

"We will find it," mariin na saad ni Grayson nang wala siya mahagilap na maliit man lang na kubo. "Kailangan lang natin muna makahanap ng matutulugan."

Nakaramdam naman ng takot si Accalia. "Parang ayoko na makitulog, Ray. Lahat napupuntahan natin palagi na lang tayo napapahamak," pagsasalaysay ni Accalia sa kaniyang nararamdaman.

Mabilis naman nakalapit si Grayson kay Accalia at niyakap ito nang mahigpit. Pagkatapos ay tinitigan ito sa mata. "Lia, I promise to protect you. Hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sa'yo at kay JJ," ani Grayson bago lumingon sa kapatid.

May lungkot nakatingin ang sina Grayson at Accalia kay Jackie Jane nang biglang kumulog ng malakas pagkatapos ay may takot na nilingon ni Accalia si Owen. Sinundan ng dalaga ang tumulong dugo hanggang masilayan nito si Owen na may dugong tumutulo sa ilong.

"A-ayos ka lang?" may takot na tanong ni Accalia. Dumako ang paningin ni Grayson dito at tinanong kung ano ang nangyari.

Umiling ang nakakabata. "I'm fine," saad ni Owen pero mahahalata nahihirapan ito. Tumingin si Accalia kay Grayson at hinawakan ang kamay nito.

Tumango si Grayson at tumayo. "Saan ka pupunta?" tanong ni Owen. Hindi sumagot si Grayson bago ito walang alinlangan na sumugod sa malakas na ulan.

"You're not okay and so does Jane," komento ni Accalia. Lumingon pa ito sa gawi ni Pollo ngunit nagulat ang dalaga nang hindi niya nasilayan si Pollo. Umikot ang paningin niya sa paligid pero hindi niya nahanap ang kaibigan.

"Nasaan si Pollo?" natatakot na tanong ni Accalia.

"Sinundan niya si Grayson." Bumuntong hininga si Accalia at hinilot ang sentido. Napapagod na siya at nagugutom. Gusto na niya matapos ang lahat nang ito. Kailangan na nila mahanap ang gintong mansanas na 'yon para kay Jackie Jane.

HUMINTO ang lobo ni Grayson sa pagtakbo. Nilingon nito ang kanina pa nakasunod na si Pollo. Natatakpan ng basang buhok nito ang mga mata ng binata. Marahan na umungol si Grayson. He used his mind-link to talk to Pollo.

You okay, bro?

Umangat ang tingin ni Pollo rito. Saglit lang ito nakatingin bago ito nagsalita.

"Ayos lang ako. Tara, maghanap na tayo ng masisilungan. Jackie needed it," ani Pollo. Pagkatapos ay tumuloy ito sa paglalakad na walang nililingon.

Grayson's wolf just followed Pollo little frame.

Patuloy man ang pagbuhos ng ulan. Hindi nawalan ng pag-asa ang dalawa na makakahanap din sila ng kahit maliit na kubo sa hindi kalayuan. Ngunit sa kanilang paglalakad.

Parehas natigilan ang dalawa. Pinagmasdan ni Pollo ang paglakad ng tatlo palapit sa kanila. Mahahalata ang pagkakatulala ng mga ito.

Hindi man sila nakahanap ng matutuluyan. Nahanap naman nila ang tatlong kasamahan nila sa kagubatan na kanina pa nila hinihintay. Mahahalata nga lang na hindi makakausap ang mga ito.

KADILIMAN. Pinapalibutan ang buong paligid ng kadilim habang siya'y takbo nang takbo. May takot na maabutan nito. Hindi siya tumigil sa pagtakbo hanggang bumagsak ang katawan niya sa isang malambot na tela.

Ang takot at nakapikit niyang mata ay unti-unti niya minulat. Kumunot ang noo niya nang masilaw siya sa sobrang liwanag ng paligid. Pinikit niya ulit ang mata at binuksan ito. Sinubukan niya mag adjust sa kaniyang mga nakikita.

Nang umaayos na ang kaniyang paningin. Nagtataka na pinagmasdan niya ang kalangitan. Tinaas niya ang kamay. Sinubukan na abutan ang ulap. Para ba itong nasa malapit lang sa kaniya.

"Langit?" nagtataka niyang tanong sa sarili. Nasa langit ba siya?

Bigla ulit namuo ang takot sa kaniyang damdamin. Takot na baka patay na siya dahil ang huling naaalala niya ay ang kaguluhan sa karnibal. Ang hiyawan, iyak, at pagsabog.

Lalo pa nang maalala niya ang isang patalim na tumama sa kaniya. Mahigpit niyang hinawakan ang ulo sa sakit pagkatapos ay unti-unti siya bumangon sa pagkakahiga.

Gulat na pinagmasdan niya ang paligid. Nakahiga siya sa damuhan at pinalilibutan siya ng maraming bulaklak. May bumungisngis sa gilid niya kung kaya agad niya ito nilingon.

Tatlong bata ang masayang nagtatakbuhan. Hindi niya maintindihan ang nangyayari. Naka suot ng puting bestida ang mga ito. Maski mapalalaki ay nakasuot din. Hindi naman nawala ang kaniyang tingin sa tatlong bata nang masundan ito ng tatlo pang mga batang lalaki.

Nagkakasayahan ang mga ito. Para bang nasa isa silang Paraiso na hindi nababahiran ng kalungkutan. Gano'n ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon.

Nawala lang ang atensyon niya sa mga ito nang makitang hindi lang tanging mga bata ang naroroon. May ilan kaedaran niya rin. Nagulat pa siya nang may lumingon sa kaniyang lalaki na ngumiti sa kaniya.

Bigla siya nasilaw kung kaya mabilis niya tinakpan ang mga mata upang iwasan ang liwanag na tumatama sa kaniyang mata.

Tatayo na sana siya nang bumagsak lang ulit siya sa kaniyang kinauupuan. At sa pagbagsak niya ay bigla niya namulat ang mata. Nagulat siya nang mawala ang isang Paraiso at pinalitan ito ng kagubatan na madilim.

Malakas ang buhos ng ulan at kumukulog pa. Nakaramdam ulit siya ng takot nang marinig niya na tawagin ang pangalan niya.

"Jackie Jane," tawag ng boses na kinagising niya nang tuluyan. Bumungad sa kaniyang harapan ang mga kasamahan nag-aaalala sa kaniya.

At hindi lamang iyon dahil dumako pa ang paningin niya sa nag aalab na kulay pulang mata ni Caliban nakatingin sa kaniya. Narinig na lang niya ang mabilis na pagtibok ng kaniyang puso no'ng unang beses nasilayan niya ito sa kakahuyan.

Namumula rin ang mata nitong nakatingin sa kaniya. Do'n niya lang napagtanto ang lahat. Caliban was one of them.

Pero wala siyang plano na sabihin ito sa iba pa.

IngkuboTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon