Chapter 23

1.1K 59 7
                                    

MAY alanganin na nilingon ni Ailwi si Jack

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

MAY alanganin na nilingon ni Ailwi si Jack. Simula kanina pa ay hindi na ito mapalagay. Hindi nito pinagkakatiwalaan ang lalaki lalo na't bigla na lang nila ito nakita sa gitna ng kagubatan.

"What are you doing?"

"It's not your business," may lamig na sagot ni Jack kay Ailwi. Hindi naman nag padala ang binata sa lalaki.

"I just want to make sure you're not targeting any of my friends."

Mabilis lumingon si Jack kay Ailwi. Tumaas ang kilay nito. "Friends?"

"I didn't know you're that kind of person," dagdag pa nito.

Nanlilisik naman na tinitigan ito ni Ailwi bago ito tinalikuran at nagtungo sa malaking cage nasa gitna. Binuksan ito ni Ailwi at katulad sa nakita nina Jackie Jane at Jack ay bumungad sa kanila ang isang merman.

"Fuck."

Mabilis na lumapit si Ailwi sa panibagong cage at binuksan din ito. Isang faery naman ang nakakulong. Napaatras si Ailwi sa nasaksihan.

Isang kauri niya ay nakakulong ngayon sa isang cage na parang isang hayop.

Agad nakalapit si Jack kay Ailwi para pigilan ito nang mapansin ang pwersang bumubuo sa paligid. Parehas silang dalawa bumagsak sa lupa habang nanlilisik ang kulay pulang mata ni Ailwi.

Gamit ang braso ay hinarang ni Jack ang leeg ni Ailwi para pinigilan si Ailwi kumilos na wala sa kanilang plano.

"Bullshit! Control yourself!" Dumagundong ang isang malalim at nakakatakot na sigaw. Maski ang lupa ay nagkaroon ng maliit na crack.

Kitang-kita ngayon ni Ailwi ang nag liliyab na kulay pulang mata ni Jack.

May takot man ay nabigkas nito ang gustong sabihin. "Isa kang demonyo."

NANG kunin ni Pollo si Jackie Jane. Ito ang naging hudyat para kala Owen, Ailwi at Jack sa kanilang pinag-usapan. Hindi nila ito sinabi kay Jackie Jane. Sumang-ayon din naman ang mga lalaki dahil para na rin hindi madamay ang dalaga.

Maingat naglakad si Owen sa paligid ng tent. Isa-isa nito tiningnan ang mga ordinaryong tao. Mapapansin din sa paligid na marami rin ang may ibang lahi na katulad nila.

Sa mahabang panahon. Naging maayos ang pagtatago ng mga nilalang na kinabibilangan ng mga vampires, wolves, witches, faeries at iba pang nilalang sa mga tao.

Ngunit, alam din nila na may ilang tao ang nakakaalam sa kanilang presensiya. At hindi maiiwasan ng mga ito ang makaramdaman ng pagka-di gusto sa mga nangyayari.

At sa tingin nila ay isa ang mahiwagang carnival na iyon sa mga ito.

Saglit muna tumingin si Owen sa paligid bago pumasok sa isang madilim na gilid na hindi gaano napapansin. Kahit abala ay alerto pa rin ang kaniyang pandinig at pakiramdam sa buong paligid.

Inangat ni Owen ang braso. Ang kaliwang kamay nito ay tumulis ang kuko sa hinlalaki nito pagkatapos ay sinugatan ang kanan palad pahaba. Mariin hinawakan ito ni Owen at tinapat sa kaniyang kaliwang braso.

Pinatak niya ang dugo at pinahid ito sa kaniyang kaliwang braso. Unti-unti lumabas ang isang itim na marka ng isang punyal sa kaniyang balat.

na eísai zontanós

Bigkas nito sa isang mahika pagkatapos ay kinuha ng binata ang punyal naging isang totoong bagay.

SA gulat ni Ailwi ay agad nitong tinulak si Jack palayo sa kaniya at mariin itong tinitigan. Kaya pala hindi nila malaman kung anong klaseng nilalang ang lalaki dahil isa itong demonyo na tinatago ang totoong katauhan.

"Who the fuck are you? Hindi isang coincidence ang pagtatagpo natin sa kagubatan! Ano ang kailangan mo sa'min?!"

Hindi nagsalita si Jack bagkus ay mas lalong nanlisik ang kulay pula nitong mata nakatingin kay Ailwi. Hindi naman nagpatalo ang binata.

"What's going on here?"

Sabay na lumingon sina Jack at Ailwi kay Jackie Jane sa bukana ng tent.

Mahahalata ang pagtataka ni Jackie Jane sa dalawa ngunit agad din dumako ang paningin niya sa likuran ng mga ito nang makitang titig na titig sa kaniya ang merman nakakulong sa isang malaking aquarium.

"What the fuck are you doing here?" inis na tanong ni Jack.

Hindi ito pinansin ni Jackie Jane bagkus ay naguguluhan siya. Bakit lumiliwanag ang kulay berdeng mata ng merman nakatingin sa kaniya?

"Mi amore."

Luminga-linga si Jackie Jane nang makarinig ng isang hindi familiar na boses bago niya binalik ang tingin sa merman na hindi pa rin nawawala ang tingin sa kaniya.

"S-sandali..." kinakabahan na saad ni Jackie Jane bago lumapit sa malaking aquarium.

Wala naman nagawa sina Ailwi at Jack nang lagpasan sila ng dalaga at hawakan nito ang babasagin na aquarium habang titig na titig ito sa mata ng merman nasa loob.

"Lulu," maiyak-iyak na tawag ni Jackie Jane rito pagkatapos ay lumingon pa ang dalaga sa binata saglit. Agad naman dinaluhan siya ni Ailwi.

"Please, help him."

Pinatitigan siya ni Ailwi. Naluluha na tinitigan naman niya ito pagkatapos ay binalik ni Ailwi ang tingin sa merman sunod sa kaniya ulit.

"Fuck," malutong na mura ni Ailwi nang mapagtanto ang nangyayari.

Mariin na binilog ni Ailwi ang kamao bago binalik ang tingin sa merman hindi inaalis ang tingin kay Jackie Jane. Dumako ang tingin ni Ailwi sa makapal na kandado.

Hindi ito karaniwan lamang. May halo itong mahika kung kaya hindi madali makatakas ang kung sino man nakakulong sa hawla na iyon para sa kanilang nilalang.

"Tabi." Natulak si Ailwi sa gilid nang sumingit si Jack.

Saglit na sinuri ni Jack ang kandado bago ito hinawakan. Naramdaman nito ang pag-agos ng isang enerhiya sa kaniyang katawan. May kalakasan ito pero paniguradong hindi ito uubra kung ano makakaya ni Jack.

Mahigpit na hinawakan ni Jack ang kandado at hinila ito. Sa lakas ng pwersa ay nabasag ang aquarium. Kumalat sa paligid ang tubig sa loob kung saan bumagsak sa sahig ang merman.

Natalsikan man ng tubig si Jackie Jane ay hindi ito naging alintana sa dalaga upang mabilis daluhan ang isang merman kung saan sinalubong siya ng isang halik sa labi na kinagulat ng dalaga.

Nang bumitaw ito sa kaniya ay hinihingal siya sa gulat. Namalayan na lang niya ang sarili na hinila nang kung sino man. Paglingon ni Jackie Jane ay hawak na siya ni Jack sa braso at nanlilisik ang kulay pula nitong mata nakatingin sa kaniya.

Nanghina si Jackie Jane habang tinitigan ito. Hindi siya makapaniwala sa kaniyang nakikita. Bigla na lang tumulo ang kaniyang luha habang hindi inaalis ang tingin sa lalaki na matagal na niyang hinihintay.

"C-caliban."

IngkuboTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon