Chapter 18

1.5K 57 11
                                    

INALALAYAN ni Grayson si Accalia umakyat sa kabayo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

INALALAYAN ni Grayson si Accalia umakyat sa kabayo. Hindi man sang-ayon ang dalaga dahil kaya naman niya mag lakad if she use her she-wolf strength. However, Grayson refused it. Mas pinagpilitan ng binata na sumakay si Accalia kay Nina.

Dumako ang paningin ni Accalia kay Jackie Jane nang mag salita ang dalaga.

"Para saan 'yan?" tanong ni Jackie Jane kay Owen nang mapansin ang isang nakatuping duffel bag.

"Kapag wala tayong makitang matulugan. This will do." Tumango si Jackie Jane. Nakasakay na rin ito sa kabayo habang hawak ni Owen ang rein para alalayan ang dalaga habang nakasakay sa kabayo.

Nagsimulang maglakbay ang anim na kabataan. Sa tulong ng dalawang kabayo ay nakasakay ang dalawang dalaga habang sa magkabilaan naman ng kabayo ay naka-alalaay ang mga binata.

Tanging si Pollo lang ang nauuna mag lakad. May hawak itong mapa na binigay sa kanila ni headmaster Alatar.

Mas lalong naging masukal ang kanilang dinadaanan. Himig lamang ng mga kuliglig, palagpas ng mga dahon at bagsak ng talon ang kanilang naririnig.

Alerto rin ang lahat kung sakaling may kapahamakan nag hihintay sa kanilang anim.

Nagpatuloy sila maglakbay. Tumitigil paminsan kapag kailangan uminom ng tubig at mag restroom break. Kung saan, kailangan pa ng mga babae mag tago habang nakabantay ang mga lalaki sa hindi kalayuan.

Dumidilim na at nakakaramdam na rin ng pagod si Jackie Jane. Kahit binigyan na siya ni Ailwi ng kusog. Hindi pa rin maiiwasan mang hina ng dalaga. Naninibago pa rin kasi siya sa dumadaloy na lakas lalo na at hindi ito sa kaniya.

Walang sinabi si Ailwi sa dalagita kung ilang percent ng kusog ang mayro'n siya. Gustuhin man alamin ni Jackie Jane ay hindi nalalaman ni Ailwi kapag sa ibang tao.

"Guys, tumigil na muna tayo." Pinatigil ni Grayson ang kabayong si Nina na sakay si Accalia. Marahan na hinaplos ng binata ang kabayo para pakalmahin ito.

Sumang-ayon sila na huminto muna dahil gutom na rin sila. Inalayan ni Grayson makababa si Accalia. Habang sa kabilang banda naman ay binuhat ni Ailwi si Jackie Jane para makababa sa kabayo.

Luminga-linga sila sa kapaligiran. May naririnig na sapa sa hindi kalayuan. Tinali nila Owen at Grayson sina Mina at Nina sa nakitang puno.

Tumulong sina Accalia at Jackie Jane nang mapansin kumukuha ng maliliit na kahoy si Pollo para makapagsiga ng apoy.

Si Ailwi naman ay chineck ang perimeter kung ligtas ba kung nasaan sila namamalagi.

Lahat ay abala sa kani-kanilang gawain. Nang ibagsak ni Owen ang isang duffel bag sa lupa. Lahat ng atensiyon ay dumako sa binata.

"Ayan ba 'yong sinasabi mo na matutulugan natin?" curious na tanong ni Jackie Jane. Ngumisi si Owen at tumango.

"Yes, baby Jane. So, watch and learn."

IngkuboTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon