Chapter 21

1.1K 56 3
                                    

GUSTO ni Jackie Jane magtago dahil sa kahihiyan ng kaniyang mga kasama

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

GUSTO ni Jackie Jane magtago dahil sa kahihiyan ng kaniyang mga kasama. Dalawa na lang dapat ang kulang pero dahil makulit ang mga ito ay nadagdagan ang dapat mga kasali.

Napanood niya ang pagkamot ng host sa ulo habang tagumpay naka-ngiti ang mga lalaking kasama nila sa taas ng stage.

Nag sigawan at nag palakpakan ang ibang mga taong nakikinood sa paligid. Binalik niya ang tingin kay Accalia. Balak niya sana ito kumbinsihin na pigilan sina Grayson ngunit nakita niya ang ngiti at tuwa sa mata ng matalik na kaibigan.

Napabuntong hininga na lang si Jackie Jane at binalik ang tingin sa unahan kung saan pinapaliwanag ng host ang dapat gawin ng mga kasali.

There's a huge amount of pie in front of them and they need to finish eating those in a span of just three-minutes.

Mas lalong natuwa ang mga tao nang mag simula na ang oras. Sabay-sabay na kinain ng mga kasali ang malaking pie sa kanilang harapan. Maraming nag chi-cheer at nag tatawanan sa mga nangyayari.

Hindi naman niya mapigilan mapa-ngiti habang nakatingin sa mga ito. They were really into it. They must really want to win that prize, ha? ani Jackie Jane sa kaniyang isipan.

Lumipas ang tatlong minuto. Halo-halong emosyon ang naramdaman ni Jackie Jane habang pinapanood ang mga ito. She was rooting at them to win. She was really happy.

Nang malakas na pumalakpak si Accalia nang itaas ni Grayson ang malaking bowl ng pie. Sumigaw ang host. Mas lalong nag ingay ang paligid. Natigil naman sa ere ang ibang kasali sa pagkain ng pie.

Kahit sina Ailwi, Owen, at Pollo. Makikita ang dismaya sa mukha ng mga ito nang malaman si Grayson ang nanalo.

MAY masamang tingin sina Pollo, Ailwi, at Owen kay Grayson nang makakaba ang mga ito sa stage.

Agad na lumapit si Accalia kay Grayson at patalon itong niyakap ng mahigpit. Makikita naman sa mukha ni Grayson ang tuwa.

"I was supposed to win," ani Owen pagkatapos ay bumaling kay Ailwi. "Naisipan mo pa kasi sumali. Ayan, nanalo pa tuloy si Ray!" dagdag pa ng binata.

"Bakit ako sinisisi mo? Ako ba nanalo? Natalo rin kaya ako, bata!"

"How many times do I have to tell you I'm not a kid, old man?!"

"Hays, fuck," mahinang bulong naman ni Pollo habang pinapanood ang mga kasama. Saglit pa itong tumigil para tingnan si Jackie Jane bago ito tuluyan umalis.

Naiilang na iniwas ni Jackie Jane ang tingin kay Pollo at binalik ang tingin kala Ailwi at Owen. Inabot niya ang dalawang kamay para hawakan ang magkabilaan nitong mga kamay.

IngkuboTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon