Chapter 03

82 0 1
                                    

(YOONGI POV)

Bakit ko pa kasi sinabi na asawa ko'to sana katulong nalang lumabas sa bibig ko.Tsaka ako swerte? Baka ako na yung pinakamalas na lalaki sa mundo eh.

Napansin ko na hindi sya kumakain ng adobo, masarap naman actually lahat ng luto nya masarap at kapag pumapasok ako nagbabaon ako dahil hindi masarap yung pagkain doon sa company. Nakita kong inalok sya ni Jay at tumanggi ito. Nakita ko na parang kinabahan sya bakit sya kakabahan eh luto nya naman yun.

Isinawalang bahala ko nalang dahil lalo akong naiinis at kasabay ko itong babaeng 'to.

.
.
.
.
.
.
.

(JIMIN POV)

Naghuhugas ako ng plato ngayon, naririnig ko silang nag-uusap sala. Magagalit si Yoongi nyan pag-alis nila at hindi ko inaalala yun dahil sanay naman na ako.

"Jay babalik ka pa ba sa Australia?"

"Graduated na ako Hyung kaya dito na ako tsaka ako na ang magma-manage ng business namin"

"Well maganda yan, congrats Jay"

Sana ako din nakapagtapos ng pag-aaral at matulungan ko si Mama pero hindi eh, wala kasi akong pera pangpa-aral at nung nakatapos ako ng high school ikinasal na ako kay Yoongi.

Natapos na akong maghugas at naririnig kong nagpaalam na sila at sinundan sila ni Yoongi, pumunta ako sa sala para kuhanin yung pinagkaininan nila pagkayari kasi nilang kumain nagpahahin pa si Yoongi ng dessert nila kaya ito nag ice cream sila.

Nadinig kong bumukas ang pinto at nakita ko si Yoongi na palapit sakin at galit galit yung itsura nya. Hinawakan nya ako sa braso ng sobrang higpit at ang sakit nun.

"Ikaw na babae ka kapag may bisita ako huwag kang dumikit dikit sakin okay? Bakit ko pa kasi sinabi na asawa kita dapat katulong dahil katulong ka lang naman dito!!!"

"Pa-pasensya na Y-Yoongi, yung b-braso ko ma-masakit-"

"Talagang masasaktan ka kapag naulit pa'to naiintindihan mo!!!"

Tumango tango lang ako, binitawan nya ako at umakyat sya sa taas. Tinignan ko yung braso ko at sobrang pula na. Binalewala ko nalang yun at pinusan yung luha ko. Pinagpatuloy ko na yung ginagawa ko.

Natapos na ako at tinignan ko ulit yung braso ko at nagkukulay ube na'to. Hinawakan ko yun pero inalis ko agad dahil sa sobrang sakit.

Dumaan yung maghapon at nasa taas lang si Yoongi at ako ito sa sala, hindi naman ako makakuha ng libro dahil nandito sya kaya nanuod nalang ako ng tv. Tinignan ko ang oras at maghahapunan na kaya naisipan ko ng magluto. Pinatay ko muna yung tv at pumunta na sa kusina.

Dahil sa braso ko nahihirapan akong kumilos kaya napatagal ang pagluluto ko. Nadinig ko yung hakbang ni Yoongi hindi pa ako natatapos maghain, magagalit na naman yun.

"Ano hindi ka pa rin tapos maghain ayan nalang gagawin mo ang bagal bagal mo pa!!"

Nagulat ako at kahit masakit ang braso ko binilisan ko yung paghahain. Nakahain na yung lahat kaya umalis na ako dun at pumunta sa gilid. Naisipan kong suriun itong braso ko baka lumala at tama nga ako, bigla akong nakaramdam ng takot hindi naman kasi ako pisikal na sinasaktan ni Yoongi sa tatlong taon naming pagsasama, sinasabihan nya lang ako ng masasakit na salita at sinisigawan.

Kung tutuusin saktan nya ako ng pisikal huwag lang emosyonal, nawawala kasi yung sakit sa katawan pero yung mga sinabi nya sakin na masasakit na tagos sa puso ko ay hindi na mawawala. Nakita kong umalis na sya at dun na ako lumabas hinugasan ko yung pinagkainan nya at nagtimpla lang ako ng gatas at kumain ng prutas.

Tapos na ako kumain at iniligpit ko na, nung natapos ako umakyat na ako sa taas at nakita kong nakahiga na si Yoongi at nakatalikod ito sakin baka tulog na din 'to. Naglatag na ako at humiga ng dahan dahan dahil sobrang sakit ng braso ko.

Hindi ako makatulog dahil konting galaw ko lang sumasakit yung braso ko.

"Ahh" napadaing ako dahil naghahanap ako ng posisyon para makatulog ako. Naisipan kong tuwid nalang yung posisyon ko para maiwasan na din matabig 'tong braso ko.

Ilang oras na yung nakakalipas hindi pa rin ako makatulog. Tumayo ako at tinignan ko yung oras alas dose na pala. Bumaba ako at pumunta sa kusina para uminom ng tubig.

Naalala ko yung sinabi ni Yoongi na...

Ikaw na babae ka kapag may bisita ako huwag kang dumikit dikit sakin okay? Bakit ko pa kasi nasabi na asawa kita dapat katulong dahil katulong ka lang naman dito!!!

Nasabi nya lang pala na asawa nya ako at ang turing nya sakin ay katulong lang.

Yoongi kailan mo ba ako matatanggap?

Kailan ko mararamdaman na nag-aalala ka din sakin?

Kailan mo ititigil yung paninisi mo na ako ang dahilan kung bakit kayo nagkahiwalay ng girlfriend mo?

Ayan yung tunay na dahilan kaya ayaw na ayaw sakin ni Yoongi nung pagkayari naming ikasal isinisi nya sakin yan. Unang araw ng kasal namin panay pangalan ng girlfriend nya yung pinabanggit nya, nakalimutan ko na yung pangalan kasi nung mga nakaraan buwan hindi na nya ito nababanggit pa . Tsaka may isa pa akong tanong na hihintayin ko yung sagot.

Yoongi kailan mo ba ako mamahalin?

Sana pagdumating yung araw na yan hindi pa ako pagod. Tao din ako napapagod kaya kapag napagod ako titigilan ko ng mahalin si Yoongi.

Bakit kasi ang sakit mong mahalin?

Umiiyak na pala ako, pumunta ako sa lababo at naghilamos para pagkagising ko ay hindi mamaga yung mata ko. Umupo ako sa sala at nagmumuni muni lang hindi pa kasi ako dinadalaw ng antok.

IT HURTS TO LOVE YOU (Yoonmin FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon