Chapter 05

72 1 1
                                    

(JIMIN POV)

Nagising ako dahil may nararamdaman akong tumatapik sakin, dinilat ko yung mata ko at nakita ko si Yherin, tumayo ako agad dahil nahihiya ako sa kanya.

"Sorry ginising kita, magpapatulong lang sana ako eh."

"Ah sige ano yun?"

"Gusto ko sana ipagluto si Yoongi"

Tumango nalang ako, nagpaalam muna akong maghihilamos at susunod nalang ako sa kanya. Napatingin ako sa salamin dahil andito ako sa cr. Masyadong maganda yung babae para mahigitan ko yun kasi mapantayan o maabutan hindi ko magawa eh.

Ayaw ko ng drama ngayon kaya pumunta na ako ng kusina, nakita ko syang nakatayo sa harap ng ref siguro ng titingin kung anong pwedeng lutuin.

"Umm... ano kaya pwede lutuin para kay Yoongi?"

Nag-isip din ako pero siguro natutuwa si Yoongi kung favorite nya yung lulutuin lalo na luto pa ng mahal nya.... at hindi ako yun.

"A-ano ba yung pa-paborito nya?"

Hindi pa rin ako komportable kausap sya kahit sa tingin ko ay mabait naman sya.

"Pancake at waffles yun yung favorite nyang breakfast"

Tumango ako at nagsimula na kaming ilagay yung ingredients, ito pala yung paborito ni Yoongi. Tinuruan ko sya kung paano yun lutuin. Nagkukwento sya habang nagluluto kami at nakikinig lang ako sakanya, nalaman ko na model pala sya at hindi daw sya marunong magluto dahil walang syang interes sa pagluluto at kung gusto naman daw nya magluto wala syang time.

"Magsi-six years na sana kaming magpartner ngayon ni Yoongi"

Sana? Alam nya ba?

"Umm... S-sana?"

Tumingin ito sakin at ngumiti.

"Oo kung hindi lang ako pumunta ng New Zealand at tsaka maghihiwalay talaga kami kahit hindi kayo ikasala dahil gusto kong ipagpatuloy dun yung pangarap ko"

Napatahimik ako dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Don't worry alam ko naman na ikakasal kayo nun at ayun nalang din yung ginawa kong dahilan tsaka masaya ako para sa inyo at kaya ko din nalaman na ikakasal kayo dahil sinabi sakin ng mom ni Yoongi, alam mo bang ayaw sakin ng mom at ate ni Yoongi well alam kong mabait sila kasi kahit ayaw nila sakin tinanggap pa rin nila ako"

Ayaw sakanya ni Mrs. Min at Yoonji unnie? Halos nasa kanya na lahat at bagay na bagay sya kay Yoongi.

"Tsaka kaya ako umuwi para tapusin ko na kung ano man yung namamagitan samin ni Yoongi, kasi para sakanya kasi meron pang kami kasi sakin wala na dahil may boyfriend na ako"

Inalis ko yung tingin ko sa kanya at nagpatuloy sa paghihiwa ng butter dahil nagulat ako sa mga nalaman ko.

"H-huwag kang mag-alala, hindi ko sasabihin 'to kay Yoongi dapat talaga kayo mag-usap nyan"

Ngumiti ako sa kanya at ngumiti ito pabalik sakin.

"Salamat... Ahh!"

Napatingin ako sakanya at mukang napaso sya, lalapitan ko na sana sya pero may humila sakin at tinulak ako sa sobrang lakas ng pagkakatulak tumama yung likod ko sa upuan.

"Hoy babae anong ginawa mo sa girlfriend ko!!!"

"Yoongi-"

Pinipigilan sya ni Yherin at ako naman hindi makapag salita sa sobrang sakit ng likod ko.

"Why you let her cook? Once na may mangyari kay Yherin lagot ka sakin!!"

Umalis na sila sa harap ko at hindi naman nagtagal bumalik si Yoongi at hinila ako.

IT HURTS TO LOVE YOU (Yoonmin FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon