(YHERIN POV)
"Mom?"
Nandito na ako sa bahay, nakita ko si mom and dad at ang fiancé ko na nasa sala.
"Oh sweetie!"
Ngumiti ako at niyakap sila. Hinalikan ko yung fiancé ko at nilapitan ko si dad.
"You okay dad?"
"Yes daughter"
"Anak nasabi mo na ba kay Yoongi?"
Napayuko naman ako at umiling.
"Mom actually sasabihin ko na po pero bigla po kayong tumawag at tsaka mom natatakot din po ako kanina."
"Anak kailangan mo ng sabihin!"
"Opo susubukan ko ulit bukas."
Humarap ako sa fiancé ko.
"Moo I'm sorry!"
"It's okay Moo alam ko naman na mahal ka talaga ni Yoongi eh"
Ang bait talaga ng fiancé ko, sya si Han Sehun nakilala ko sya sa New Zealand naging magkaibigan muna kami at nahulog kami sa isa't isa at nagconfess. Akala ko nung kapag bumalik ako dito sa Korea mawawala lahat ng nararamdaman ko kay Sehun dahil kay Yoongi pero hindi na bumalik at nagpapasalamat naman ako.
Si Sehun yung tumulong samin nung maba-bankrupt yung company ni dad, nagkasakit kasi si dad at pinagamot nya kulang kasi yung pera pangpa-opera kay dad nun at sya yung tumulong samin. Ngayon sya na ang nagma-manage ng company kasi hindi na kaya ni dad at wala naman akong alam sa ganyan.
Mahal na mahal ko si Sehun at next five months ikakasal na kami at sobrang saya ko. Pero kailangan ko muna masabi kay Yoongi, alam kong masakit para sa kanya pero may asawa na sya.
"Sweetie kailangan bukas tapos na ang usap nyo, yung asawa ni Yoongi nakita mo ba sya?"
Napangiti naman ako at tumango.
"Ang bait nya po mom at maalaga sya kay Yoongi alam nyo po ba nung pumunta po ako sa bahay nila hindi nya po ako inaway at naguilty ako dahil ipinakilala pa sya sakin ni Yoongi na katulong."
Nakita kong nagulat si mom sa sinabi ko.
"Katulong? Bakit?"
"Halata po sa kilos ni Yoongi kay Jimin na ayaw nya sa kanya"
"Hindi nya ba alam na masakit yun sa feeling na ipakilala ka ng sarili mong asawa bilang katulong?"
"Oo nga po mom eh at tsaka mabait talaga sya nagkwentuhan pa nga kami at nung nandon ako sa halip na iparamdam nya sakin na sya yung asawa pero nandon lang sya nakatayo tinitignan lang kami ni Yoongi"
"Ang swerte naman ni Yoongi sa asawa nya pero bakit ayaw nya sakanya?"
"Baka po dahil sakanya naghiwalay po kami pero hindi ko naman po sinisi si Jimin dahil plano naman po talagang umalis nun para ipatuloy ko yung pangarap ko sa New Zealand, tapos mom ang ganda pa ni Jimin kung hindi lang ako nagi-skin care mas lamang sakin yung ganda nya tsaka ang simple nya lang hindi din sya maarte."
"Swerte naman talaga ni Yoongi"
"Anak hindi man natin nakikita nasasaktan na yung asawa ni Yoongi"
Kaya kailangan ko na talaga tapusin yung samin ni Yoongi."Promise po bukas tatapusin ko na kung ano man po yung namamagitan samin kahit para lang sakanya meron pa"
Yumakap ako kila mom at nakisali din si Sehun this is my family and my beloved fiancé.
BINABASA MO ANG
IT HURTS TO LOVE YOU (Yoonmin FF)
RandomPark Jimin 22 years old Si Jimin na kahit gaano kasakit ang nararamdaman nya hindi sya susuko. "Mahal na mahal kita Yoongi at sana mahalin mo din ako at kapag nangyari yun sana hindi pa ako pagod" -PJM/MJM Min Yoongi 27 years old Si Yo...