Chapter 08

73 1 1
                                    

(JIMIN POV)

Nag-aayos ako ng mga binili kong groceries kahapon, nadinig ko yung yabag ni Yoongi at alam kong papunta na sya dito sa kusina, tinignan ko sya at nakita kong nakapambahay lang ito at linggo nga pala ngayon wala syang trabaho. Nakahain na yung mga pagkain nya, ginawa ko yun bago ayusin 'tong mga pinamili.

Nadidinig ko yung pag usod ng upuan at paniguradong kakain na sya. Natapos ko ng ayusin yung nga pinamili ko at nakita kong hindi pa tapos si Yoongi kaya lumabas muna ako sa kusina at dumiretso sa banyo.

Tinignan ko yung may mga gamit pa akong kailangan ko. At nakita kong wala na napagpasyahan ko na bumili sa malapit na market. Lumabas na ako at nakita kong nasa sala na si Yoongi, nagbabasa sya ng libro at may suot sya na salamin. Ang gwapo nya tignan para ding syang binata. Pumunta na ako sa kusina at baka makita pa nya akong nakatingin sa kanya at magagalit na naman yun.

Nagtimpla ako ng gatas at kumuha ako ng isang saging, limang pirasong ubas at yung apple na kalahati sa ref at isang piraso din na kiwi. Hiniwa hiwa ko yun na maliliit at nilagay sa plato. Naalala ko na may natira palang vegetable salad kagabi kinuha ko yun sa ref at inihain ko sa lamesa.

Natapos na akong kumain at hinugasan na yung mga pinagkainan. Pagkayari ko dumiretso na ako sa taas para kumuha ng damit. Pantalon at t-shirt nalang ang isusuot ko kinuha ko na din yung tuwalya na gagamitin ko, bumaba na ako at pumasok sa cr. Natapos na ako maligo at magbihis nagsusuklay na lang ako, nagpulbo ako at kailangan ko na din mamili ng pulbo dahil paubos na natapos akong mag-ayos kinuha ko yung sling bag ko at lalabas na sana pero tinawag ako ni Yoongi.

"Hoy babae saan ka pupunta?"

"D-dyan lang sa m-market may bibilhin lang"

"Lumayas ka na at dapat bago mag hapon nandito ka na"

Tumango lang ako at tsaka lumabas. Binuksan ko yung payong ko dahil sobrang init. Hindi ako ng hihingi ng pera kay Yoongi. Sinubukan ko na yun nung una pero sinabihan nya lang ako ng...

Just work by yourself so you can get your own money and you can buy whatever you want.

Kahit English yun naindintihan ko yun syempre kahit high school lang natapos ko matalino ako nga lagi nangunguna sa klase simula nung Elementary at laking pasasalamat ko dahil kahit sa katalinuhan maipagmamalaki ko yun pero hindi nakikita ng iba. Nakakabili lang ako ng gusto ko dahil sa mga sukli ni Yoongi kapag namimili ako ng groceries iniipon ko yung mga sukli at dun ako kumukuha ng pinangbibili ko ng mga kailangan ko. Habang naglalakad ako may bigla tumabi sakin at nagulat ako dun.

"Hi Jimin!"

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sobrang gulat.

"I'm sorry Jimin okay ka lang ba?"

Tumango ako at tinignan si Jungkook. Oo si Jungkook nga yung sumulpot.

"Okay lang ako, Saan ka nga pala pupunta?"

"Dyan sa may market may bibilhin lang ikaw?"

"Doon din"

Ngumiti sya sakin at nakakahawa yun kaya napangitin din ako.

"Sabay na tayo!"

Nagpatuloy kami sa paglalakad at nakarating kami sa market medyo malapit lang yung market kaya pwede lakarin. Isinara ko na yung payong ko at nilagay sa lagayan ng payong kapag may dalang payong yung mga costumer.

Pumasok na kami at pumunta ako sa mga shampoo at napansin sumusunod sakin si Jungkook.

"Akala ko ba may bibilhin ka, bilin muna kita nalang tayo sa counter"

IT HURTS TO LOVE YOU (Yoonmin FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon