Chapter 23

79 2 2
                                    

(JIMIN POV)

"Are you ready Jimin?"

Tumango ako at kinuha nya yung bag ko. Lumabas na kami sa kwarto na chineck in ni Suga. Kahapon ako nakalabas ng hospital at dito kami nagstay sa hotel kung saan malapit sa airport. Doon sana kami tutuloy sa bahay ni mrs. Min pero hindi ako pumayag dahil nandon si mr. Min.

Ngayon na pala ang alis namin at papunta na kami ng airport at kahapon pumirma na ako sa divorce paper at kahapon din ay hindi na ako isang Min. Binigay ko sa attorney yung wedding ring ko at yung sulat na para kay Yoongi ibibigay nya yun kapag pipirmahan na ni Yoongi yung divorce paper at hindi ko na kailangan sabihin na pirmahan nya yun dahil mas gusto nya yun at ito na yung oras na hihintay nya yung mawawala ako sa kanya.

Nandito na kami sa Incheon Airport at umupo kami hihintayin nalang namin sabihin kung pwede na kami pumasok sa plane papuntang California.

30 minutes din kami naghintay at natawag na yung plane na sasakyan namin.

Hay ito na yung araw na kakalimutan kita Yoongi kahit parang ikaw ang kasama ko ngayon at nag-aalaga pero kailangan ko itatak sa isip at puso ko na iba kayo ni Suga. Sana kung may mamahalin ka ulit sana yung katulad kay Yherin ang ipaparamdam mong pagmamahal, huwag mong gawin yung ginawa mo sakin. Kung ako nakayanan ko makasama ka dahil mahal kita.

Sa huling oras Mahal na mahal kita Yoongi at aalagaan ko si baby hindi ko pa alam kung may karapatan kang tawaging ama ng anak ko.

Goodbye Korea! Hello California!

Bye Yoongi! Hello baby!

Paalam Yoongi hanggang sa muli nating pagkikita.

.
.
.
.
.
.
.

(YOONGI POV)

Nagising ako dahil sa tumamang sinag ng araw, kinuha ko yung cellphone ko at 9:30 na pala, tamad akong bumangon sa higaan at pumunta sa banyo.

Natapos na akong maligo kaya bumaba na ako para mag breakfast. Pumunta ako sa kusina at nakita ko si Jimin nagluluto at nakangiti ito sakin. Tinitigan ko lang sya at biglang naglaho si Jimin so I blinked so many times para macomfirm kung nagha-hallucinate lang ba ako at tama nga.

Pumunta ako sa ref at wala ng laman hindi pa ako naggro-grocery at ang huling grocery ni Jimin ay nakaraang linggo pa. Binuksan ko yung kabinet sa taas at puro de lata at ramen lang yung nandito. Kumuha ako ng ramen at niluto iyun. Ng matapos ko iluto nilagay ko sa bowl at kumuha ng chopstick tsaka ako umupo.

"N-nakahain na yung pagkain mo."

Bigla akong napatigil sa pagkain ko ng marinig ko yung boses ni Jimin bakit ko ba sya naririnig at nakikita?

Tatlong araw na din akong hindi pumapasok hindi ko alam kung bakit wala akong gana pumasok.

Dahil ba wala ng mag-aasikaso ng isusuot ko at ipagbabaon ako?

Ano ba Yoongi your happy right? Your.....happy.

Natapos na akong kumain at hinugasan ko na yung pinagkainan ko dumiretso ako sa sala at umupo sa couch.

"Turon ang tawag dyan at ito naman yung fishball kikiam at fries, street food ang tawag namin dyan."

"Turon? Street food?"

"Oo, tikman mo masarap yan!"

Bigla kong nakita si Jimin at kumakain kami ng street food bago sya maglaho ngumiti muna sya sakin para bang nakikita nya 'ko.

IT HURTS TO LOVE YOU (Yoonmin FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon