(JIMIN POV)
Nagising ako at tinignan ko ang orasan, napaka-aga ko pala nagising dahil alas kwatro pala ng umaga, tumayo na ako at niligpit ang higaan at bumaba, dumiretso ako ng cr tsaka ako ng toothbrush at naghilamos.
Pati cr magkahiwalay kami ng ginagamit sya sa cr sa kwarto at ako dito sa baba. Iniisip ko nalang na darating ang araw na mamahalin din nya ako at hihintayin ko yun.
Natapos na ako at lumabas tsaka pumunta ng kusina, nagluto na ako ng pancake at waffle, naggawa din ako ng vegetable salad alam kong hindi sya mahilig dito pero inaahinan ko sya nito paminsan minsan dahil masama naman ang palaging meat lang ang kinakain nya, kumakain naman sya ng konti nito kapag nakaahin at ako umuubos. Nagtimpla ako ng kape at ng gatas, mahilig sya sa kape at kung hindi kape ang iinumin nya tuwing umaga ay magagalit sya, at ako naman gatas lang ang pwede kong inumin dahil kapag uminom ang ng kape nagpa-palpitate ako at hindi ako nakakahinga ng maayos hindi lang sa kape pati na din sa Chocolates.
Nadinig kong pababa na sya kaya inahin ko na yung nga pagkain at ang kape nya sa lamesa. Nang makapasok sya sa kusina hindi ito naka pangtrabaho at nakapangbahay lang ito. Nagsimula na syang kumain at ako naman kinuha ko yung gatas ko tsaka pumunta sa sala at doon ako naghintay. Pumunta ako sa gilid at nakita kong hindi na sya kumakain. Naisipan kong tanungin sya kung may pasok ba sya para maihanda ko na yung babaunin nya.
"M-Meron ka bang pa-pasok ngayon?"
Tumingin ito sakin ng walang emosyon at tumayo.
"It's none of your business!, gusto ko ito ulit breakfast ko tomorrow at huwag mo isama sa ihahain mo bukas yung vegetable salad, kumain kana"
Tumango ako at umalis na sya, nilapag ko sa lamesa ang gatas na hindi ko pa ubos, ako ang umubos ng vegetable salad at kinain ko na din ang tag isang pancake at waffle na tinira nya.
Natapos na akong kumain kaya naghugas na ako ng mga pinagkainan at pinaglutuan ko, natapos na ako maghugas at dumiretso sa bodega para kuhanin ang paglinis, nagwalis muna ako sa buong baba ng bahay at pagkayari ko ay kumuha ako ng basahan at timbang may tubig nilagyan ko ito ng fabric conditioner para yung mga pupunasan ko ay mabango. Yung mga vase na naka display at mga lamesa pati na din yung mga bintana, basta lahat ng nakikita kong pwede punasan ay pinupusan ko, hindi naman kasi ako araw araw nagpupunas mga dalawang beses lang sa isang linggo, walis at mop lang talaga ang ginagawa ko araw araw. Napatapos na ako maglinis at manananghalian na kaya naisipan kong magluto na.
Hinihintay kong bumaba si Yoongi at ilang minuto na ang nakakalipas hindi pa rin sya bumababa kaya naisipan kong puntahan sya sa taas. Bago pa ako makapasok ng pinto nadidinig kong may kausap sya at lumapit ako dun nakita kong nakabukas ng konti yung pinto at nakita ko syang masayang masaya sya sa kinakausap nya sa phone. Sino kaya yun, nakakahawa yung ngiti nya tinanggal ko muna yung tingin ko sakanya saglit dahil nararamdaman kong nagiinit yung pisngi ko, binalik ko yung tingin ko sa kanya at nagulat ako dahil nakatingin ito sakin.
"See you later bro, isama mo din yung dalawa"
Pinatay nya yung tawag at tumingin ito sakin, galit na galit yung ekspresyon nya sa mukha.
"ANO BA JIMIN!!! Nakikinig ka ba sa usapan namin!!!"
"H-hindi Y-Yoongi k-kakain na ka-"
"SANA HININTAY MO NALANG AKO SA BABA!!! UMALIS KA NA NGA NAIINIS LANG AKO SAYO!!"
Dali dali akong bumaba at naramdaman kong may tumulo sa pisngi ko at hinawakan ko yun, umiiyak na pala ako, pinunsan ko yun may narinig akong nag doorbell inayos ko muna yung sarili ko tsaka ako pumunta sa pintuan at binuksan ko yung pinto.
May tatlong lalaking nag-uusap at bumaling yung tingin nila sakin at bigla silang nataranta.
"Hyung tama ba yung pinuntahan natin" tanong ng isang lalaki na medyo bata pa. Tama yung napasukan nyo nakarating nga kayo dito sa pintuan.
"Ito yung sinabi ni Yoongi na address" napatingin pa yung isang lalaki sa phone nya manly yung katawan nya.
"Tama nga ito yun eh!" Sabi naman ng isang lalaki
"Bros!!"
Nabaling yung tingin ko kay Yoongi at medyo umusog ako para magkakitaan sila, kita ko yung saya sa muka ni Yoongi panigurado akong mga kaibigan nya yung mga'to.
"Hyung sino sya"
Tanong nya kay Yoongi habang tinuro ako.
"Asawa ko"
Napatingin ako kay Yoongi at para bang sinasabi nya na umalis na ako kaya pumunta na ako sa kusina nararamdaman ko na naman na umiinit yung pisngi ko.
Nagdagdag ako ng tatlong plato kutsara tinidor at baso.
"Yoongs bakit hindi mo naman nasabi samin na may asawa ka na"
Dinig kong sabi ng isa sa mga lalaki.
"Sya pala yung sinasabi ni Yoonji and lahat ng sinasabi nya ay totoo"
Si Yoonji unnie kambal ni Yoongi girl version lang ni Yoongi yun, bakit kaya nya kilala si Yoonji.
"Hyung kamusta si Yoonji noona bakit hindi mo sya sinama dito"
Base sa boses yung binata ang nagtanong.
"Nasa London pa nauna na akong umuwi dahil may aasikasuhin ako"
"Kamusta na si Yoonji at kailan ako makakapamangkin"
So yung isang lalaki ay asawa ni Yoonji unnie?, nabanggit na nya sakin na may asawa sya pero hindi ko naman kilala.
Pumunta na sila dito sa kusina at nagsi upo na sila, alam kong ayaw akong nandito ni Yoongi kaya aalis muna ako maghahanap nalang ng pagkakaabalahan. Paalis na sana ako pero napatigil ako sa sinabi nung Jay narinig ko kasi si Yoongi nung tinawag nya ito.
"Hyung bakit hindi satin sasabay yung asawa mo"
Tumingin ako sakanya at umiling iling ako.
"Ma-mamaya nalang ako ka-kakain"
Pansin kong masama na yung tingin sakin ni Yoongi.
"Huwag ka ng mahiya umm..."
"Jimin"
Sinabi ko yung pangalan ko dahil yun yung idudugtong nya.
"Namjoon is right Jimin, gusto ko din kasi makilala yung mukang bibig ng asawa ko"
Tama nga ako asawa sya ni Yoonji unnie.
"Hin-"
Tatangihan ko sana pero nagsalita si Yoongi.
"Sumabay ka na"
Umupo ako sa right side nya. Tahimik lang akong kumakain. Pork adobo at Chicken curry ang niluto ko at buti naman medyo madami dami yung niluto ko at nagkasya samin.
"Ang sarap magluto ng asawa mo Yoongi paniguradong hindi ikaw ang nagluto nito dahil fried lang ang alam mo."
Sabi nung Namjoon.
"Tsaka, swerte ka sa kanya at napaka linis ng bahay nyo"
Dyan kayo nagkakamali hindi swerte si Yoongi sakin.
BINABASA MO ANG
IT HURTS TO LOVE YOU (Yoonmin FF)
RandomPark Jimin 22 years old Si Jimin na kahit gaano kasakit ang nararamdaman nya hindi sya susuko. "Mahal na mahal kita Yoongi at sana mahalin mo din ako at kapag nangyari yun sana hindi pa ako pagod" -PJM/MJM Min Yoongi 27 years old Si Yo...