(JIMIN POV)
Bigla akong nagising, pinagmasdan ko yung paligid at pasikat palang yung araw. Nakaramdam ako ng sakit sa leeg ko, hindi ko namalayan na dito na ako nakatulog. Hinilot ko yung leeg ko hay buti nangawit lang at hindi ako nagka-stiff neck, tinignan ko yung braso ko at ganon pa rin yung itsura nya, napaka laking pasa kasi kaya hindi agad 'to gagaling. Umakyat muna ako sa taas para iligpit ko yung nilatag ko dun kagabi. Nakita kong tulog pa si Yoongi ginawa ko na yung kailan kong gawin at bumaba, dumiretso ako sa kusina at nagluto ng almusal nya.
Naalala ko na pancake at waffle ang gusto nyang almusal, nagsimula na akong magluto at ilang sandali ay natapos na din ako mabuti at hindi pa sya bumababa. Inihain ko na yun sa lamesa at pumunta sa sala nakita ko si Yoongi na nagmamadaling umalis hindi sya nakapang opisina na damit, tatawagin ko sana sya pero umalis na, sino ka yung pupuntahan nya kita kasi sa mukha yung saya eh.
Sana pagdating ng araw masilayan ko din yung saya nya sa mukha pero dapat ako yung dahilan. Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako kahit imahinasyon ko lang yun ay napakalaking bagay na nito sakin.
Naalala ko tuloy yung mga sinasabi ng isa sa mga kapit bahay namin dati nung nag-aaral ako ng high school. Masyado daw mataas yung pangarap ko at paniguradong hindi daw matutupad yun, limitahan ko lang daw yung pagiimahinasyon ko at ako lang daw ang masasaktan. At naging totoo nga dahil nandito ako ngayon naglilinis lang ng bahay at taga luto ng asawa.
Kumain na ako medyo madami kasi 'to kaya hindi ko naubos nilagay ko nalang sa ref yung natira ko pwedeng pangmerryenda 'to.
Naglinis lang ulit ako at pagkayari ko ay nanunod lang ako ng tv.
.
.
.
.
.
.
.(YOONGI POV)
Nandito ako ngayon sa airport hinihintay ang pinakamamahal kong girlfriend. Masaya ako dahil magkakasama na kami, duon muna sya sa bahay tutuloy dahil wala syang matutuluyan medyo malayo kasi yung bahay nila. Baka kami yung kasal ngayon kung hindi lang dumating sa buhay kong yung babaeng yun, wala akong paki alam sakanya kung iuuwi ko dun yung girlfriend ko tsaka bahay ko naman yun, at hindi ko sya ipakikilala sa girlfriend ko bilang asawa dahil hindi magtatagal ay gagawa ako ng paraan para maghiwalay kami ng babaeng yun at makapagpakasal na kami ng girlfriend ko.
Uutang utang kasi hindi naman pala kaya bayaran at ng dahil dyan ay naghiwalay kami ng girlfriend ko.
Nakita kong papalapit sya sakin, mas lalo syang gumanda, lumapit ako sa kanya at sinalubong sya ng yakap, hindi ko masabi kung gaano ako kasaya dahil nahahawakan ko na sya at makakasama ko pa.
"Welcome home love and i miss you"
"Miss you too"
Niyakap ko ulit sya, naisipan namin na kumain muna sa malapit na restaurant bago kami umuwi dahil nagugutom na sya at hindi naman ako nakapag breakfast sa bahay dahil sa sobrang excited ko na makita sya.
.
.
.
.
.
.
.
.
.(JIMIN POV)
Hindi pa umuuwi si Yoongi tinignan ko yung oras at 4:18 na, niligpit ko na yung libro at nitebook na ginamit ko, wala si Yoongi kaya nagbasa at nagsulat ako, bago itago yung notebook ko pinagmasdan ko muna yung mga ginuhit kong mga damit na gusto ko.
Oo tungkol sa mga damit ang gusto kong trabaho, marami na nga akong mga naiguhut na iba't ibang disenyo. Itinago ko na'to at pumunta na sa kusina nagluto ako ng kimchi at gumawa ng gimbap. Nagprito din ako ng isda. Nadinig kong bumukas yung pinto kaya dali dali akong pumunta doon.
Napatigil ako dahil hindi lang mag-isa si Yoongi may kasama syang babae, napakaganda nya at maputi panigurado kapag magkatabi kami ay mukha akong katulong.
"Love sino sya?"
Napatigil ako sa pag-iisip ng magtanong yung babae at tsaka love? Sya ba yung girlfriend ni Yoongi?
"Ah katulong ko lang sya dito."
Talaga bang ganyan na yung tingin nya sakin?
"Hoy babae ayusin mo nga yung kwarto don at magpapahinga na kami ng girlfriend ko"
Tumango na lang ako at umakyat sa taas. Hindi ko na napigilan kaya umiyak na ako pero hindi ko mailabas yung sakit dahil maririnig nila.
Okay na sana yung saktan nya ako pero yung mag-uwi ng babae yung asawa mo at ipakikilala kang katulong? Sobra na ata yun. Alam ko naman na ayaw nya sakin eh pero sana naman respetuhin nya ako, wala akong magagawa dahil asawa lang ako sa papel at kahit kailan mas matimbang parin ang pagmamahalan.
"Hoy bilis bilisan mo dyan pagod si Yherin"
"A-a-ahh o-oo i-ito na"
Inayos ko muna yung sarili ko at binilisan ko yung pagpapalit ng punda at sapin hindi ko na lang pinapansin ang braso ko, nayari na ako at kinuha ko yung latag ko tsaka ako lumabas.
"Love let's rest"
Love, babe, honey sana matawag mo din ako nyan Yoongi, natatawa ako sa sarli pati ba naman kasi gising mananaginip ako. Nakasalubong ko sila sa hagdan at kitang kita ko kung paano ingatan ni Yoongi yung babae.
"Umalis ka dyan!"
Nagulat ako dun at binigyan agad sila ng daan, amoy airport yung babae, dito na ba sya titira? Paano na ako? Saan kaya ako tutuloy kung sakaling palayasin ako ni Yoongi? Hindi ko muna iisipin yun dahil mas iisipin ko kung saan ako matutulog. Hindi naman pwede sa couch at masyadong maliit.....
Napatingin ako sa gilid ng hahdan at maayos naman kaya dun na ako naglatag. Pumunta muna ako sa kusina at nakita kong maayos na at panigurado yung girlfriend nya yung may gawa nito. Bumalik nalang ako sa hihigaan ko, nawalan ako ng gana kumain, humiga ako ng dahan dahan dahil masakit pa rin yung braso ko. Mainit at malamok kaya bumangon ako tsaka kinuha yung electric fan sa sala, hindi na mainit at malamok. Humiga na ako at hindi ako makatulog dahil sa iniisip ko kung paano na kaya ako kung paalisin ako ni Yoongi.
Oo Yoongi ayaw mo sakin pero sana respetuhin mo ako. Wala ako sa lugar para sabihin yan kaya hahayaan kita kung anong gusto ko baka sakaling makita mo kung gaano ka kahalaga sakin kahit ituring mo pa akong katulong, basura o pabigat sa buhay hinding hindi kita iiwan....
At sana mahalin mo din ako at pagnangyari yun sana ay hindi pa ako pagod.
Bago pa ako maiyak ipinikit ko ang mata at iniisip ko nalang kung paano mangyayari kung mamahalin ako ni Yoongi at dun ako nagiging masaya.
BINABASA MO ANG
IT HURTS TO LOVE YOU (Yoonmin FF)
CasualePark Jimin 22 years old Si Jimin na kahit gaano kasakit ang nararamdaman nya hindi sya susuko. "Mahal na mahal kita Yoongi at sana mahalin mo din ako at kapag nangyari yun sana hindi pa ako pagod" -PJM/MJM Min Yoongi 27 years old Si Yo...