(JIMIN POV)
Nagising na ako, tinignan ko yung paligid at madilim pa, anong oras na ba? Tinignan ko yung orasan at 4:56 na pala bakit madilim dapat kahit papaano may makikita nang liwanag dahil magaala-singko na. Tumayo nalang ako at niligpit yung higaan ko, nagagalaw ko naman yung braso ko pero hindi ko sya maitataas dahil sumasakit. Napaiyak ako kagabi dahil hindi sinasadyang mahawakan ni Yoongi yung braso ko at nagulat din ako sa ginawa nya pero ayoko umasa na magiging mabuti agad sya sakin.
Alam ko na mamahalin nya ako at ramdam kong hindi ngayon yun. Bumaba na lang ako at dumiretso sa banyo para maghilamos at magsipilyo, natapos na ako, lumabas na'ko para pumunta ng garden, kumuha lang ako ng maliit na timba at tabo tsaka ito nilgyan, diniligan ko yung pinunla ko kahapon hindi ko pa aalm kung kailan ako makakabili ng bulaklak.
Natapos agad ako sa pagdidilig dahil konti lang naman yun at wisik wisik lang yung ginawa ko dahil iyun yung tamang pagdidilig kapag punla palang.
Pumasok na ako sa loob at dumiretso sa kusina nagluto na ako ng breakfast.
(A/n: this picture is not mine😊. Ganyan po ang pagkakahain sa lamesa)
Napangiti ako dahil ang ganda ng pagkaka-ayos. Parang hindi ako nasiyahan kasi parang may kulang. Naisip kong maluto pa ulit.
Yan ang naisipan kong iluto pa, inahin ko na 'to sa lamesa. Naalala ko nga pala na ngayon kami pupunta kila Namjoon oppa, bakit ayaw pang gumising ni Yoongi? Habang hinihintay ko si Yoongi naisipan kong tanggalin yung bandage ng sugat ko. Nilinis ko muna yung sugat ko at pinatuyo bago ko lagyan ng ointment medyo pagaling naman na sya pero yung sugat lang yung natutuyo yung sakit nandito pa rin at yung mga pasa sa gilid ng sugat.
Pagkayari kong lagyan ng ointment hindi ko muna sya nilagyan ng bandage, masama din kasi kapag lagi nilalagyan mas matagal mawala yung sugat malinis naman yung paligid kaya hindi naman siguro maiinfect 'to kapag na-expose. Tinaas ko yung manggas ko para hindi sumayad sa sugat masakit kasi kapag nadadampian mo lang sya ng kahit ano. Sa paa ko naman nilagyan ko yun ng bandage kasi naglalakad ako eh.
BINABASA MO ANG
IT HURTS TO LOVE YOU (Yoonmin FF)
RandomPark Jimin 22 years old Si Jimin na kahit gaano kasakit ang nararamdaman nya hindi sya susuko. "Mahal na mahal kita Yoongi at sana mahalin mo din ako at kapag nangyari yun sana hindi pa ako pagod" -PJM/MJM Min Yoongi 27 years old Si Yo...