033

139 5 0
                                    

Messenger

Brent Caistter Sullivan

February 18, 12:38 AM (PST)

Brent:

Huwag kang masyadong mag inom.
Sasakit na naman iyang tiyan mo at isang linggo kang may hang over at magsusuka.

12:46 AM (PST)

Amby:

Why do you care?

Hiwalay na tayo di ba?

Brent:

I'm just worried.

Mag isa ka pa namang magda-drive
pauwi sa inyo. Hindi yun safe.

Amby:

I know my limits, Brent.

You don't have to tell me what should I do. You don't have anything to worry about because I'm not yours anymore. Things are already different since you left, Brent. Let me have my life...

Brent:

If you could let me explain what really happened, I know you'll understand. I didn't left you, Sol.

Amby:

Don't call me that, please.

Brent:

Can we just fix this?

Amby:

Gago, para saan pa? Para iwan mo ulit ako? Hindi na. Dalawang taon akong nag intay ng walang kasiguraduhan kung babalik ka pa ba. Hindi ka man lang nagsabi. Kahit man lang "bye" wala akong nakuha from you? Sa loob ng dalawang taon na yun hindi mo alam kung ano yung nangyari sa akin!

Brent:

Hindi natin alam kung anong nangyari sa isa't-isa sa loob ng dalawang taon na yun, Sol. Kaya pakinggan mo muna yung explanations ko.

Maaayos pa tayo, eh. Kaya pa natin.

Amby:

Hindi ko na alam, Brent.

Kung para sa yo maaayos pa, kung para sa yo kaya pa... Para sa akin hindi ko alam. Hindi ko kayang bumalik ulit sa dati, Brent. Hayaan na lang natin na ganito.

Nakakapagod, sobra.

Brent:

Puwede bang kahit ako na lang yung lumaban para sa relasyon nating dalawa? Iintayin naman kita, Sol.

Amby:

Ang unfair nun, Brent.

Relationship works with two people. Hindi isa lang, hindi kita hahayaan na ikaw lang mag isa ang lumaban.

Brent:

May tanong lang ako, Sol.

Isang tanong lang, promise...

Amby:

Sige, what is it?

We're Falling Back (Calgary's Lovestruck Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon