Messenger
Brent Caistter Sullivan
April 21, 8:56 AM (PST)
Brent:
Good morning, Sol 💛
Is it true na nasa Siargao ka ngayon? Nasabi kasi sa'kin ni Brianna na umalis ka daw bigla. Hindi mo rin naman nabanggit sa akin na aalis ka, pero it's okay baka important kaya bigla kang umalis. Nag-message lang ako para sabihin na prioritize your rest and yourself. Huwag kang magpapagod, ha?
If you want someone to talk with, nandito lang ako palagi, Sol :)
Huwag mong kakalimutan na magpahinga, ha? At, huwag kang magi-guilty dahil lang nagpahinga kasi deserve mo naman 'yun. Kailangan mo ng pahinga kasi doble ang trabahong ginagawa mo sa araw-araw.
Mahal kita, huwag mo ring kakalimutan.
——
Your tweet was sent!
Amby 🔒 @solanavela • 4m
I know he has a girlfriend, pero bakit ganon? Hindi ba siya nagi-guilty na may girlfriend siyang masasaktan? Hindi din ba niya naiisip na may mawawalan ng tiwala sa kaniya? :(
💬 0 🔄 0 ❤️ 1