Messenger
Group Chat: Brainy Bros
April 7, 5:53 PM (PST)
Zachary:
ano balak natin sa 10?
Devon:
ano meron sa April 10 gago
Brent:
oo nga, anong meron?
Jacob:
anniversary yata ng friendship nating lima, wow bakit limot niyo na mga fake friends kayo !!! 🖕
Luke:
malay ba namin na april 10 pala tayo nabuo, grabe bilis 5 years na tayo?! 5 years na kayong pabigat sa akin
Brent:
gago ka ba @Luke ikaw nga pabigat dito magsara ka na
kung tutuusin ikaw ang pabigat dito, kapag may ambagan ng inuman ang ambag mo lang ay kwento
Zachary:
ayan kasi, nabara tuloy 🤭
Jacob:
inuman ba ulit? 🤩
Devon:
kain na lang tayo sa resto, diyan sa may bago! malapit sa may valley heh
Luke:
bago yun di ba? sa same street nung nagbebenta ng croissant? 😔
Brent:
di ko pa yan napupuntahan
anong name ng resto?
Devon:
Stellaris Resto
Zachary:
alam ko dati na yang resto place talaga, binago lang name since bago na yung may hawak ng resto na yan
Brent:
ayan ba yung place ng crepes dati?
Luke:
ah oo gago iyon nga ata yun ???
Devon:
oo iyon! doon lang yan gago
Zachary:
mura lang ba diyan pre
gago baka mahal ah, mag mix and match na lang ako sa mcdo puta
Devon:
medyo pricey pero worth it naman daw sabi nila sadie, nag-take out na sila from that resto eh. if ever pa-reserve na lang tayo ng tables diyan
Brent:
mag kwek kwek at isaw na lang kaya tayo, magre-resto pa daw eh
Luke:
gago pre di ka ba nagsasawa sa kwek kwek? magiging kulay orange ka na kakakain mo nun tangina
Brent:
nagsalita ang adik sa ulo ng manok di na kami magugulat kung mukha mo na logo ng chooks to go
Luke:
sus gusto mo lang tumuhog ng madami
Brent:
gago wag mo ipasa sa akin gawain
mo uy grabe kaDevon:
ano g ba kayo sa resto?
Zachary:
libre mo ba, @Devon?
Devon:
sige ba, libre ko na para sumama kayo
Brent:
tinatamad ako sumama, gusto ko lang ng kwek kwek mga perds
Jacob:
naglilihi ka ba tol, @Brent? puro kwek kwek ang nasa isip ampucha, mamaya para ka nang highlighter diyan, kulay orange ka na
Brent:
daming sinasabi
oo na sama na ko, basta libre niyo ah
Luke:
oo nga daw, libre na ni devon
Devon:
papa-reserve na ako ng table for 5 ah? sure kayong pupunta kayo doon, gago kapag hindi bahala na kayo sa buhay niyo wag niyo kong kakausapin habang buhay
Zachary:
malamang sasama kami, libre eh
Brent:
sasama kami, sayang libre
biyaya din yan
Devon:
mukha kayong libre 🖕🖕🖕