Messenger
Solana Ambielle Vela
May 23, 12:31 PM (PST)
Solana:
Brent
Brent:
hi, my sunshine
anong kailangan ng baby ko na yan
Solana:
ay hala ???
may tatanong lang sana ako :(
Brent:
ano yun? 😊😊😊
Solana:
pupunta ka bang department store ngayon? may need kasi akong bilhin eh, if pupunta ka sasama sana ako
Brent:
oh siya tara
ano kailangan mong bilhin?
Solana:
jackets and scarfs, kasi di ba malamig sa canada :( kaunti lang kasi jacket ko dito, tapos hindi rin gaanong makapal
Brent:
gusto mo rin ba ng maleta?
Solana:
no need na, gamitin ko na lang yung gray kong maliit dito
Brent:
maliit lang yan, baka di magkasya mga gamit mo. bibilhan na lang kita
Solana:
gastos pa, okay na 'yun sakin
Brent:
last na gastos na yan promise
Solana:
duda ako diyan eh
Brent:
HAHAHAHAHAHAHA ANO BA MANIWALA KA NAMAN
Solana:
kailan pala alis natin? hindi ko pala natanong sa yo 😅 na-distract na ko
Brent:
June 2?
Solana:
bakit di ka sure?
Brent:
i mean, syempre ask muna kita malay ko kasi baka di mo pa kaya mag prepare ng ganiyang oras, need ko rin part mo dito no. di lang naman ako yung mag-aalsabalutan
Solana:
okay na okay sa akin, syempre
hindi naman ako nagrereklamo sa plans mo about it :)
Brent:
ay btw
daanan na lang kita sa condo mo
Solana:
okay okay
Brent:
nag lunch ka na ba? bibili ako
Solana:
alam mo mapupukpok ko na talaga iyang ulo mo, kakasabi mo lang kanina na last na gastos na tapos bibili ka naman ng lunch?
kaya ko naman magluto
Brent:
bakit ba ayaw mong pagkagastusan kita ha 😭
Solana:
kasi nga, sayang yung pera
mas need yan sa important expenses
Brent:
important ka naman ah
Solana:
sumasagot ka pa ???
Brent:
hindi na nga po eh
Solana:
magbihis na ko, para madaanan mo na ako mamaya :)
Brent:
okay nandito na ko sa mcdo
Solana:
mcdo? ginagawa mo diyan?
sabi ko department store
Brent:
nabili nga lunch mo
Solana:
ALAM MO IKAW 🙂🔪
Brent:
hahahahaha i love you