Messenger
Solana Ambielle Vela
May 21, 6:01 PM (PST)
Brent:
Message me once you get home, my Sol :) Thank you for making time to be with me, I love you 💛
——
iMessage
Luke 🚩
May 21, 6:08 PM (PST)
Luke:
BRO, HELP 😭😭😭
CALL 911
IIYAK AKO PRE TULONG
AYOKO NA
Brent:
ano na naman ganap sa buhay mo?
Luke:
tangina kasi pre 😭
di ba nag tweet ako kanina na naiinggit ako sa inyo ni amby kasi nag coffee date kayo?
tapos nag reply si amber sa tweet ko, edi nag reply ako pabalik sabi ko yayain niya din ako mag coffee date para di na ko mainggit
Brent:
oh anong nangyari?
Luke:
TANGINA GAGO ALAM MO BA KUNG SAAN NIYA AKO NIYAYAYA?
Brent:
hahahaha saan?
Luke:
sa lamay pre 😭 doon daw kami magco-coffee date, para daw less gastos tsaka libre daw yung kape
may sopas pa daw na freebies, gago di ko kinakaya yung babaeng yun
Brent:
TARANTADO HAHAHAHAHAHAHA
oh bakit ka nahingi ng tulong sakin?
Luke:
nagtatampo kasi si amber
ang umaarte pa daw ako, ako na nga daw niyayaya sa coffee date
tangina bro 😭😭😭
sino bang sasama sa coffee date kung sa lamay naman ???
MABABALIW AKO, PRE 🥲
grabe si amber ‼️
Brent:
samahan mo na kasi
hahahahahaha
Luke:
SA LAMAY ??? bro tanggap ko pa kahit sa sb na lang e
titiisin ko talagang uminom ng matcha makasama lang siya e, pero sa lamay ??? gago di ko nga kilala kung sino yung na-deads eh 😭✋
BRO, HELP TUMATAWAG SIYA 😭😭
Brent:
patay ka hahahahaha
Luke:
PRE MAMAMATAY AKO HUY
NATAWAG SI AMBER 😭😭😭
ang hirap mong mahalin, amber
para kang gagsti 😔
Brent:
ss ko 'to, tapos send ko kay amber para magalit lalo sa yo at awayin ka
Luke:
wag na pre pagod na pagod na kong suyuin siya 😭 kahit di ko kasalanan sakin siya nagagalit ??
tulad kahapon natapon kape niya sa worksheet niya, tangina ako sinisi hindi daw kasi ako nagre-reply
LIKE WTF, ANONG CONNECTION KO SA KAPE AT KATANGAHAN NIYA PLS LANG AYOKO NAAAA
grabe mag-part time job si amber, topakin sa umaga malambing sa gabi
Brent:
baka kasi gabi schedule mo
Luke:
GAGO PRE GALIT NA SI AMBER
naka-capslock na siya mag type huy
ano gagawin ko ??? hindi ak makahinga pre
parang mamamatay ako ganern
——
NOTIFICATION
Solana Ambielle Vela • Messenger
📨 Hello! I just got home :) thank you pala kanina, super saya ko ngayong...Open | Remove
——
Brent:
tangina bro kaya mo na 'yan malaki ka na, nag reply na si amby siya muna unahin ko
Luke:
HUY GAGO AKO MUNA MAMAMATAY NA KAIBIGAN MO TOL
Brent:
sorry, priorities first :)
away well!