038

145 6 0
                                    

iMessage

Luke 🚩

February 18, 1:21 AM (PST)

Luke:

ano tol, oks ka lang ba diyan?

bakit ka naiyak?

Brent:

okay lang ako, luke

hindi ako naiyak

Luke:

weh pero sabay pahid ng luha? ulol ka, di mo ko maloloko tol di ako bulag kitang-kita kaya kita diyan sa terrace

anyare ba? kwento ka nga

Brent:

hahahaha wala lang 'to

okay lang ako

Luke:

sus, last na iyak mo noong nakita mo ulit si amby after 2 years tapos bigla kang iniwasan, wag ako kilala kita di mo naman ako kaibigan para lang sa wala hahahaha

Brent:

hindi ko na ikukwento, luke

iiyak lang ako lalo eh

Luke:

baba ka rito

iinom natin yan ng smirnoff tapos ikwento mo, ano naman kung iiyak ka
at least nailabas mo yung sakit na nararamdaman mo di ba

mabigat yan tol mapupuno yan sa loob mo mas lalo ka lang mahihirapan

Brent:

bababa ako mamaya, mapula
mata ko tsaka ilong eh

Luke:

ge, intayin kita dito tol

cheer up, nandito lang ako

labyu tol kahit iniwan mo ko
sa mang inasal dati

Brent:

hahahaha tanda mo pa rin

salamat, luke

Luke:

wala yon

nandito pala si amby sa malapit
gusto mo bang harangin ko para
makausap mo?

Brent:

wag na

ayaw niya din naman daw akong makita, hayaan mo lang siyang
mag enjoy diyan

Luke:

awit puta sana maayos niyo yan

gumagawa din naman kami ng
paraan para kahit pa paano maayos
kayong dalawa, off lang talaga sa
line minsan hehehe pero wala yon sa plano

Brent:

okay lang, salamat pa rin sa
pagtulong niyo

Luke:

pero tol baba ka na dito mamaya,
pag usapan natin yang kung ano
mang iniiyakan mo

kapag may beer dapat may iiyak

Brent:

hahahaha ewan sa yo, bababa
ako mamaya promise

intayin mo na lang ako

Luke:

oks manoks andoks tol

We're Falling Back (Calgary's Lovestruck Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon