Messenger
Brent Caistter Sullivan
May 29, 11:56 AM (PST)
Amby:
my sunshineee? 💛
Brent:
yes, baby what do you need po?
Amby:
mag-grocery kasi kami ni amber, tapos sama ka daw kasi may need daw kayong pag usapan :)
Brent:
about saan?
Amby:
sasama daw siya satin papuntang calgary, e. tinanong ko kung bakit sabi niya ayaw niya lang daw sa aura ng office nila ngayon. baka mag-uunwind siguro siya?
Brent:
ah sige sige, sama ko si luke para magbardagulan silang dalawa
Amby:
ah about diyan... huwag mo daw isama si luke :(
Brent:
magkaaway ba sila?
Amby:
I don't know eh
hindi ko na rin naman tinanong si amber about doon
Brent:
ah okay, magsasabi naman yan si amber if may problem sila
anyway, ano bibilhin mo sa grocery?
Amby:
ramen 🥲
Brent:
not healthy
Amby:
HUEY MINSAN LANG EH 😭😭😭
tsaka nakita ko kasi isang set tapos 6 packs ata yun, dumaan sa feed ko shinare ni sadie hehehe
Brent:
masama nga 'yan, baby
Amby:
ako naman kakain at magluluto :(
Brent:
kaya nga
iniingatan lang kita, mahirap magkasakit lalo na ngayon na aalis pa tayo :(
Amby:
2 packs? 🥺
Brent:
sige, isa lang
Amby:
SABI KO TWO ???
Brent:
oo nga, bibili nga tayo ng isa
Amby:
HUY ANG DAYA 😔
Brent:
Amby:
HAHAHAHAHAHAHAHA WHERE DID YOU GET THAT MEME ???
Brent:
kay Luke hahahahahaha
sige na, bibili ka 2 packs pero...
Amby:
kiss na naman kapalit niyan 😒
Brent:
HUY ETO NAMAN WALA PA NGA AKONG SINASABI
pero sige tutal nabanggit mo na rin, ia-add ko na sa kapalit :)
Amby:
DAYA TALAGA NITO 😡
Brent:
this is the last time na kakain ka ng ganiyan, ha? unhealthy masyado for you, e. pag-uwi natin ng calgary, puro healthy foods na lulutuin ko for you, okay ba?
Amby:
OKIE 💗💗💗
counted pa rin ba adobo?
Brent:
hahahahaha syempre naman
favorite mo yan eh
Amby:
yeyyy, i love you
Brent:
i love you, kiss ko later huh 😏
Amby:
oumz 'to naman nangungulila agad sa kiss ko, ikalma mo ha wag tayo mag kiss sa harap ni amber baka batuhin tayo ng pushcart mamaya 😭
sunduin daw pala tayo ni amber
Brent:
hahahahahaha okay
dadala pala ako extra hoodie para sa yo, malamig sa labas eh. kakatapos lang kasi umulan. lagay mo sa bulsa mo yung rub ha, maglagay ka sa nose mo later bago lumabas baka sipunin ka
Amby:
okie, noted po. thank you, sunshine!
Brent:
see you later, baby :)