Your 4 tweets was sent!
Amby 🔒 @solanavela • 58m
Simula bata ako, naniniwala ako na sa pamilya nagmumula ang comfort at pagmamahal. Pero, habang lumalaki ako, naiintindihan ko na hindi lahat ng pamilya sa isang tahanan ay may pagmamahal at comfort.
|
replying to @solanavela: Noong umalis ako sa bahay, hindi naging madali lahat sa akin. May mga araw na natutulog na lang ako para di makaramdam ng gutom, tipid na tipid ako noon para lang may maipambayad sa renta. Hindi ako nakakatulog ng mahimbing noon kasi iniisip ko saan ako kukuha ng pera para buhayin 'yung sarili ko.
|
replying to @solanavela: Sobrang nakakapagod lang na... Iyong problema ko, problema ko lang. Tapos iyong problema niyo, problema ko din...
|
replying to @solanavela: Nung mga panahong kailangan ko ng tulong niyo tinalikuran niyo ako na para bang hindi niyo ko kadugo't kakilala. Tapos kapag kayo ang may problema ipinapasa niyo sa akin. Ang unfair lang na kilala at kadugo niyo lang ako kapag convenient para sa inyo.——
Amby 🔒 @solanavela • 44m
Hindi ako lumalandi dito sa Manila, nagtatrabaho ako para kumita at buhayin yung sarili ko. Huwag kayong humingi sa'kin ng pera na para bang pinupulot ko lang iyon sa kung saan. Pinagpupuyatan ko din 'yon, pinagpapaguran ko din 'yon. Hindi naman sa nagdadamot ako, pero hindi naman siguro masama kung unahin ko muna ngayon ang sarili ko at kayo ang kumilos para sa sarili niyo?
|
replying to @solanavela: Iyong iPhone na napansin mo, Ate Solynna? Galing 'yon kay Brianna, regalo niya 'yon sa akin dahil wala akong magamit, noong una ayoko pang tanggapin kasi too much 'yun. At iyong nails ko? Si Liliana lang nag-ayos non, pinagpa-practice-an niya lang yung kamay ko. Hindi naman lahat ng akala mo ay tama, Ate.
|
replying to @solanavela: Kung kayo ang nasa sitwasyon ko, malamang matagal na kayong sumuko. Hindi niyo alam kung gaano kahirap na tiisin ang isang araw na manatiling buhay. Ang pinaparamdam ng araw-araw sa akin ay pagsubok at delubyo.——
Amby 🔒 @solanavela • 29m
Kung tatanungin ako kung mapapatawad ko pa kayo... Mapapatawad ko lang kayo doon sa masasakit na salitang sinabi niyo, kasi iyong masasakit na salitang iyon kaya ko pang palagpasin... Pero kung pagkawala ng anak ko ang pag-uusapan, kahit kailan man hindi ko kayo mapapatawad.
|
replying to @solanavela: Buhay ng anak ko ang nawala, at kahit kailan hindi ko 'yun kayang palagpasin. Siya lang ang kasiyahan na meron ako... Pinagkait niyo pang ibigay sa akin. How cruel you all are.——
Amby 🔒 @solanavela • 18m