Messenger
Amber Milano
May 3, 11:11 AM (PST)
Luke:
Hadley Amberleigh Milano
Amber:
ano, luke xylon? parang gago ba buong pangalan na eh
Luke:
ano bang gusto mong itawag ko
sa yo? 😔😔😔baby? love? honey? babe? darling? sugarplum? my everything? loml?
Amber:
landi ampota
idadagdag mo pa ko sa mga babae mo
Luke:
huy grabe ka
ikaw nga favorite ko sa anim
Amber:
oh should I say thank you ba?
Luke:
oo tangina beh ikaw na nga favorite ko sa anim wala ka pang utang na loob?
Amber:
eh kung sakmalin ko 'yang itlog mo
Luke:
sige, basta iyong kaliwa lang ah. huwag 'yung kanan
Amber:
KABALASUBASAN MO TALAGA
ano bang kailangan mo't binubuwisit mo na naman ako?
Luke:
may favor lang ako 🥺
Amber:
bakit kapag ikaw nagamit ng emoji na 'yan hindi siya cute, mukhang malandi kapag ikaw nagamit
Luke:
PATI BA NAMAN EMOJI NA GINAGAMIT KO NILALAIT MO PA
Amber:
paano'y lahat naman kalait-lait sa 'yong tanga ka
Luke:
alam mo nang tanga ako, ipapamukha mo pa sakin na tanga ako. edi tanga ka din
Amber:
OH ANO NGA KAILANGAN MO
Luke:
kasi di ba nagpapatulong si brent
Amber:
kailan?
Luke:
kanina lang
Amber:
kailan ko tinanong
Luke:
ge hahahaha parang gago
Amber:
joke lang, oh ano?
Luke:
hindi wag na ayoko na sabihin
Amber:
okay sige, tutulog na ulit ako
Luke:
TANGINA BA?!
😡😡‼️‼️‼️
Amber:
may toyo ka ba
Luke:
oo meron, tapos ikaw siomai ko
Amber:
AAYOS KA BA O HAHATIIN KITA
SA DALAWALuke:
oh tingnan mo 'to siya nauna tapos sa akin magagalit hahahahaha siraulo ampotiks
Amber:
kanina pa ko tanong nang tanong dito kung ano ba 'yang favor mo
Luke:
si Brent nga kasi nagpapatulong sa'kin. gusto niya raw malaman kung nasaan si amby eh kung ako magtatanong kay amby magtataka 'yon, kaya naisip ko ikaw na lang mag reach out kasi bff naman kayo
Amber:
first of all pota ka ginamit mo na naman ako
Luke:
may kapalit naman iyang favor
ko 'to naman eh 😔Amber:
ano kapalit, huh?
Luke:
kiss kita nonstop
Amber:
sa yo na 'yang favor mo
Luke:
joke lang 'to naman, libre kita samgyup? ano g ka ba, ako na din mag-grill ng meat mo
Amber:
ayan, ganiyan dapat ang kapalit kapag may favor. tanginang kapalit 'yan, kiss nonstop mabubusog ba ko diyan tapos di ka pa nagtu-toothbrush
Luke:
tarantado ka ba miss girl
mabubusog ka kaya sa kiss ko ikaw pa aayaw eh ako na 'to, tsaka nagtu-toothbrush ako no 4 times a day pa nga eh 😒
Amber:
wag ka nang kumana, ligalig mo
Luke:
eto na nga, mananahimik na
——
not luke 🔒 @userlukexylon • 13m
hindi naman ako payong pero tiklop ako sa'yo, amberleigh 😖
💬 0 🔄 0 ❤️ 2