153

60 1 0
                                    

Messenger

Amber Milano

May 29, 11:37 AM (PST)

Amber:

Ambyyy 🤩

Amby:

hello, amber!

why? ano ganap today?

Amber:

papasama sana ako sa yo mag-grocery
:( ako mag drive !!

Amby:

okie, sakto bibili din ako packets ng ramen hehehe

Amber:

kailan pala alis niyo?

Amby:

June 2 pa naman!

Amber:

paano yung pagpapa-citizenship
niyo? ikaw na bahala or si brent
na maglalakad nung about doon?

Amby:

si brent na maglalakad about dun :)

Amber:

GUSTO KO SUMABIT SA INYO 😔😭

Amby:

HUY, WEH BA ???

di ba may work ka diyan?

Amber:

oo, pero balak ko kasi mag vacation leave kasi di ko talaga gusto vibes ng office namin ngayon

Amby:

ay oki, puwede ka naman sumama sa amin! much better sana if isang flight tayo, pero if hindi kaya baka mag-meet na lang siguro tayo sa isang place! update mo lang kami ni brent

Amber:

thank you so much, my amby :(

i owe you a lot!

ay sama mo na si brent sa shopping natin para makapag-usap din kami about sa pagsama ko sa alis niyo, sorry talaga kung sasabit ako ha 😔

Amby:

no problem, amber! para namang iba ka sa amin ni brent? eh ang laking tulong mo nga nung hindi kami okay

Amber:

pasabi pala kay brent na huwag niyang isama si luke :)

Amby:

huh? bakit?

Amber:

hahahahaha wala napipikon lang ako kay luke, kaya pakisabi kay brent huwag niya dalhin bff niya

Amby:

okieee, sabihan ko si brent about it. don't worry :)

Amber:

sunduin ko na lang kayo ni brent, dala ko kalesa ko hahahahaha

Amby:

hahahaha, ingat cinderella! 🤣

Amber Milano reacted 😆 to Solana Ambielle Vela's message.

——

Twitter

Your tweet was sent!

Amby 🔒 @solanavela • 2m

medyo confused lang ako kay amber... alam kong sanay na siya sa pagka-annoying ni luke, pero ngayon lang siya nainis ng ganito. tapos sabi niya pa ayaw niya ng vibes sa office nila, eh halos doon na nga siya tumira dahil masipag siya mag-work ???

💬 1     🔄 0     ❤️ 3

Show this thread ;
|
replying to @solanavela: tsaka nakakapagtaka din 'yung sudden na pagsama sa amin ni amber? magkaaway ba sila ni luke or gusto lang talaga ni amber na mag-unwind? ewan, naguguluhan ako :(

We're Falling Back (Calgary's Lovestruck Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon