Messenger
Solana Ambielle Vela
June 2, 8:07 AM (CST)
Amby:
baby, where ka pooo?
Brent:
nasa kwarto natin, ikaw saan ka?
Amby:
nasa kitchen, iwanan ko phone ko dito sana kasi magc-cr ako. bababa
ka ba dito?Brent:
bababa ako, wait
gagawa din ako coffee eh, bantayan ko na lang phone mo
go na, cr na ikaaaw
——
[Amby's Phone]
——
Your tweet was sent!
🌼 🔒 @brentpogisuper • 2m
naknampucha si idol, wallpaper ako hahahahahah kinilig itlog ko dun ah
💬 1 🔄 0 ❤️ 4
Show more thread ;
|
replying to @brentpogisuper: solynna? ate niya 'to ah?——
Messenger
Solynna Andra Vela
You're not friends on Facebook.
June 2, 08:17 AM (CST)
Solynna:
Hindi ko alam kung saan ka kumukuha ng kapal na pumunta ng Canada at iwanan kami ni Mama dito. Ano porket umaangat ka na sa buhay hindi mo na kami tutulungan? Baka lang nakakalimutan mo, Solana. May anak ako at pamangkin mo 'to, kaysa tumira ka diyan sa Canada at mag-aksaya ng pera, ipangtulong mo na lang sa anak ko!
Ilang buwan ka na ring hindi nagpapadala ng pera! Ang kapal kapal ng pagmumukha mong hindi tumulong sa pamilya! Kaya hindi ka nagkakaroon ng sariling anak kasi kahit mismong pamilya mo hindi mo kayang tulungan!